Warning : Rated Spg (Sobrang-Pighati at Galit) Waley ba? (Super- Parental - Guidance is advice) Hindi kasi ako pinapatulog kapag hindi ko isinusulat nasa isip ko eh. Sorry sa mga hindi bet ang story na ito, tao lang naman ako na hindi perpekto. Nagtry lang ako na ishare ang imagination ko, first time ko sumulat ng ganitong story. Matured na ba o Immature parin? Sorry na agad, wag sana kayo magalit sakin.
CHAPTER 5
Hindi dumating si Dad kaya may naging pagkakataon si Kuya kagabi. Hindi ko nga alam kong may lakas pa akong pumasok ngayon dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Maghapon lang ako sa loob ng kwarto habang nakalock. Hindi ako lumabas, tiniis ko talaga ang gutom baka kasi halayin na naman ako ni Kuya.
Pinagsawaan na nga nya kagabi ang katawan ko eh. Sana naman kahit ngayong araw lang wag na. Wala pa si Dad, palagay ko busy sya kasi may party, at na postponed yata dahil may hinihintay sya. Nareceive ko text nya na bukas nalang daw, tuesday at 7PM.
From : Super Dad
I'm on my way princess.
Hindi na ako nag reply sa text nya kasi baka talkshit na naman. Monday nga at hindi ako pumasok pero parang walang kapahingahan ang katawan ko. Hinagilap ko ang remote at in-open ang tv.
"Isang Ginang ang natagpuan kinilalang si Flora Dela cruz, anim na po't dalawang taong gulang. Walang saplot ang matanda at may isang kilo ng 'shabu' pa ang natagpuan sa kanyang gilid. Hanggang ngayon ay iniimbistigahan pa ang nangyari kong may kinalaman ba ang ginang sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa lugar o sinadya lamang ang pagpatay sa kaawa-awang matanda."
Halos mapasigaw ako ng marinig at mapanuod ko ang sinapit ng kaawa-awang matandang si Manang flora! Hayop ka Kuya Dexter!
Wala akong na gawa 'kundi' ang umiyak na naman sa panibagong dagok. Papasok pa kaya ako sa school? Lumayas nalang kaya ako sa impyernong bahay na ito? Kaya lang wala akong pupuntahan. Maraming connection si Kuya, at si Daddy naman tiyak na magagalit sya sakin.
Mabilis akong nag pahid ng luha ko nang may kumatok sa pinto. "Princess," mahinang tawag nito. Kulang nalang ay liparin ko ang pinto para agad na mabuksan ito. Daddy's here!
"Akala ko tulog--" Hindi ko sya pinatapos mag salita ng lundagin ko sya para yakapin. Gusto kong mag sumbong sakanya sa mga oras na ito pero paano ako mag sisimula? Saan ako mag uumpisa? Sasabihin ko ba na siyam na taong gulang palang ako si Kuya na ang kumuha sa puri ko?
Natatakot ako sa magiging reaksyon nya, para kasing walang maniniwala sakin. Alam nyo yung pakiramdam na walang kakampi? Na parang lahat ng tao huhusgahan ka, na 'kesyo' raw malandi ka kaya ka ginahasa. Ang sakit-sakit lang. May isang tao na sanang makakaintindi sakin kaso pinatay pa.
Gusto ko nalang rin mamatay. Siguro kapag nawala ako sa pamilya. Doon palang may makakarealize ng halaga ko, makakapansin ng awra ko, na kahit papaano naging parte ako sa pamilyang tinatawag nila. Maranasan ko man lang na iyakan ako, sa kabaong nga lang. Malay ko ba na baka lang kapag patay na ako matauhan si Kuya Dex at Ate Cindy sa mga ginagawa nila.
"Bakit ka umiiyak princess?
May nanakit ba sayo? Tell me." Umiling ako kahit na gustong gusto kong tumango. Gusto kong isagaw sa harap nya na ginahasa ako Governor! Kahit hindi nalang bilang isang ama. Kahit bilang alagad nalang ng batas, baka gusto nya akong bigyan ng Justice."I miss you so much, sa sobrang tagal mo muntik na akong makagawa ng hakbang na alam kong hindi mo magugustuhan." Mahinang sabi ko habang umiiyak parin na nakayakap sakanya.
"Anong hakbang?" Seryosong tanong ni Dad habang masuyong hinahaplos ang mukha ko.
Ang mag pakamatay.

BINABASA MO ANG
Let Me Tell You My Story
AcakDisclaimer : Ito'y walang kinalaman sa kahit na sino mang tao rito sa mundo. Isa lamang itong hango mula sa malikot na imahinasyon ng author.