Dedicated to venutrish kingsevenrosal liRAZzxs xykies09
Habang nakaupo sa malambot at kulay pulang sofa kinakabahan akong nakatitig sa mga magulang kong nakakunot ang noo habang nakatingin din sa'kin. Nagsimula akong lumuha sa harapan nila, alam kong na disappoint ko silang dalawa dahil hindi ko matutupad ang mga pangarap nila sa'kin.
"Mom, Dad." Simula kong sambit. "I'm pregnant." Sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko. Alam kong ginusto kong gawin 'to pero hindi ko gustong mabuntis ng maaga.
Nasaksihan ko kung paano umiyak si Mommy habang hindi makapagsalita. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay naitawid ko pa rin na pumunta sa gawi niya at niyakap. Napaluhod si Dad habang umiiyak. Guilting-guilty ako dahil sa nangyari.
"Mom, I'm sorry." Ang tanging lumabas sa na salita sa mga labi ko. Lumapit ako kay Dad para yakapin siya pero tinulak niya ako ng malakas. Napatanga ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko ina-akalang magagawa niya sa'kin 'to.
"Lumayo ka! Nakakadiri ka! 'wag na 'wag kang lumapit sa'kin." Buong lakas na sigaw niya. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa galit.
"No, Dad! Aayosin ko 'to." Pagmamakaawa ko. Lumapit uli ako sa kaniya pero pati si Mom tinulak ako. Muntikan na akong mabunggo sa center table na babasagin.
"Lumayas ka at 'wag na 'wag kang babalik dito! Wala kaming anak na disgrasiyada!" napakagat-labi ako habang humihikbi. Hindi puwedi 'to.
"No, no! Mom," lumuhod ako sa harapan nilang dalawa, wala na akong mapupuntahan pa. Hindi pananagutan ni Dave(Ex Bf) ang pinagbubuntis ko. Halos magmakaawa ako sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nawalan ng malay si Dad at napahiga sa sahig habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil alam kong kasalanan ko 'to.
"Mahal! Mahal!" tawag ni Mom kay Dad. Hindi ako makagalaw sa kinaluluhod ko habang napatakip ng palad sa bibig. This is my fault.
"Tumawag ka ng ambulance, Chantelle!" sigaw ni Mom na ikinataranta ko. Dali-dali akong tumayo habang nasisi-unahang tumulo ang mga luha ko.
Tumawag agad ako ng ambulance sa telepono habang nangiginig ang mga kamay at bibig ko. Dumating ang ambulance at dinala si Dad sa hospital. Nanatili ako sa kwartong tulala at hindi alam ang gagawin.
"Inatake sa puso si Dad dahil sa'kin. Kasalanan ko 'to." Bulong sa sarili sabay sabunot sa sariling buhok.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa si Mom. Andiyan pa din ang galit sa mukha niya. Tumayo ako at kinausap siya, "Mom, kamusta si Dad?" nag-aalala kong tanong. Hindi siya nag atubiling sagotin ako bagkos ay dumeretso siya sa walk in closet ko.
Nagtataka akong sumunod sa kaniya sa loob. Binuksan niya lahat ng cabinet sa loob saka kumuha ng maleta. "Mom, what are you doing?" blangko siyang humarap sa'kin at ibinigay ang maletang puno ng mga gamit ko.
"Malala ang lagay ng Dad mo dahil sa'yo. Lumayas kana bago kita saktan." Tumulo ang luha ni Mom habang blangko pa rin ang tingin sa'kin. Nagsimula akong makaramdam ng takot. Hindi ko tinanggap ang maleta.
"Mom, no!" pigil ko sa kaniya. Nagsimula siyang maglakad mula sa ikatlong palapag ng bahay namin dala-dala ang malaking maleta ko. Umiiyak at kumakaba ang dibdib ko na nakasunod sa kaniya.
YOU ARE READING
MCS #2: Between The Two Of Us [COMPLETED✓]
Storie d'amoreChantelle Del Mundo is proud Single Mom. She have to strive hard for her 6 years old daughter named Amara. She doesn't wanted to lose the opportunity, so she choose work as a secretary. But there will be no one will take care of her baby. She called...