Kabanata 2

457 103 89
                                    


[Kabanata 2]

Punto de vista de tercera persona


"LUBOS akong nagagalak para sa 'yo kapatid ko." Pumalumbaba si Adella at Violeta sa harapan ni Aniko, ngayon na ang araw ng kasal. Hindi na lamang siya umimik kaya't natahimik ang dalawa. Halos isang linggo na rin ang lumipas simula nang huli niyang naka-usap ang magandang babae, at ang mga salita nito ang kaniyang pinanghahawakan ngayon.

Ngayon, alam na niyang wala na siyang takas na maging isang Castel. Napahawak siya sa kanyang puso, kumikirot na naman ito. Ramdam niya ang nag-aalalang tingin ng dalawang kapatid.

"Ayos ka lang ba, Aniko?" Napakapit si Violeta sa kamay ng kanyang kapatid. "Sandali, ikukuha lamang kita ng tubig." Dali-daling lumabas ng silid si Violeta at naiwan silang dalawa ni Adella. Bago pa man niya ibuka ang kanyang bibig ay naunahan na siya nitong magsalita. "Alam ko ang iyong ibig, ate." Napatingin siya sa singit na mga mata nito. "Pero . . . Na sa 'yo pa rin ang huling salita . . . Maaaring tanggapin o tanggihan mo ito . . . Pero. . ." Napatigil ito sa pagsasalita. Ngumiti siya ng marahan, alam niya ang tinutukoy ng kapatid ay ang kasunduang kasal sa pagitan ng Castel at ng kanilang pamilya. Batid niya na sa oras na tumaggi siya ay maaaring may malaking pinsala ang maidudulot nito kung hindi siya nagkakamali.

"Adella, may mga bagay na hindi maaaring tumanggi lalo na't nakasalalay rito ang kapakanan ng nakararami." Pabulong niyang ani. "Hindi na ako young, okay? I can do it, trust me."

"Ate . . . Ano ka ba, just kidding. It's your wedding day, don't let them ruin your mood." Napatawa silang dalawa. "Baba muna ako, Ate. Within an hour, aayusan kana." Pagkalabas ni Adella sa silid ng kanyang ate Aniko, doon lang niya inilabas ang isang malalim na buntong-hininga. Alam niyang wala nang oras upang umatras, kaya nalulungkot siya para sa kanyang Ate na alam niyang tutol na maikasal sa isang Castel.

Dinama ni Aniko ang sariwang hangin ng paligid, nakagungaw siya ngayon sa isang malaking bintana ng kanyang silid sa mansion ng mga Sandoval. Nabasa na niya ang sulat ni Augustus para sa kanya, na isa sa dahilan upang malito siya sa kung sino ang dapat paniwalaan at pagkatiwalaan.

Paghahabi ng tadhana,

Bumalik sa umpisa,

Bulan, Init, at Tala,

Gaya ng kalangitan,

Malapit mo nang makamtan.

Hindi mawari ni Aniko kung ano ang tinutukoy ni Augustus sa tula, marahil ay hindi para sa kanya iyon sa isip-isip niya. Pero napaisip siya ng mariin, hindi kaya . . . A-alam kaya n--.

"Baby girl, are you ready?" Dumungaw ang kanyang kuya Sam at Inigo sa naka-awang na pinto ng kanyang silid. Napaawang naman ang mga labi niya sa pormahan ng mga ito. "G na G hah," tukso ni Aniko sa dalawa. Natawa sila pareho, iginayak nila ang kamay kapatid sa magkabilang braso. Sa kaliwa si Inigo habang sa kanan naman si Samuel. Inihatid nila ang kapatid sa kabilang silid upang masigurado na maaayusan ito dahil alam nilang ayaw na ayaw ng kapatid na maglagay ng kolorete sa mukha nito.

"Hmm. . . Ms. Aniko--" Aniko cut them, mukha kasing wala sa huwisyo si Aniko pagkahatid ng mga kapatid nito sa kanya mula sa kabiang silid. "Go ahead." Nagulat pa nga sila sa sinabi nito, gayong malayo sa hitsura nito ang naging sagot niya sa make-up artists.

Wala sa huwisyong tiningnan ni Aniko ang sarili sa salamin.

Ngumiti ka,

Tumawa ka,

Until Tomorrow, SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon