Kabanata 5

316 77 73
                                    

💌: cttro. The picture that was attached in this kabanata was the modern Intramuros.

🎬: algunas cosas tienen que terminar para que comiencen cosas mejores. 'some things have to end for better things to begin'





[Kabanata 5 ]

NABALOT ng pangamba ang aking puso nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Sana lang ay walang makarinig sa kaniyang mga tinuran at lalong-lalong walang makakita sa amin dito. Pero gayunpaman nakaramdam ako ng kapayapaan sa kaniyang mga titig. Ang mga mata niyang kaakit-akit pagmasdan na para bang dadalhin ka sa mundo na kayo lang dalawa ang nakakakita. But that's not what I need to, that's not what I want to do, nandito ako para maglakbay kahit against sa own will ko. I'm here to prove on that Goddess that my life will be worth it to die-- este to mabuhay kahit hindi sa panahong to! My gosh, nakakaloka.

Tumikhim ang kaharap ko. "Mukha kang tanga kung ngumiti, stupida." Natauhan ako sa naging momentus nito. Teka, p-panaginip lang ba ang naganap? Shuta, kailangan kong iuntog ang aking ulo sa pader nang matauhan at hindi na maging kahiya hiya ang sarili. Aish!

Makakabawi din ako, kutong lupa!





Pananaw ni Señor Pedro Eliseo Castillo


"MUKHA kang tanga kung ngumiti, stupida." Pahabol kong sabi matapos kong makitang ngumiti ito at natulala sa mukha ko na akala mo may dumi gayong kagagaling ko lang sa palikuran.

He then tsked and walk away. Tapos na ang kanyang kailangan sa loob ng mansyon kaya't, nakumpirma niyang nasa mabuting kalusugan naman ang babae kaya hindi na siya magpapakita sa kahit na sino, pero hindi siya nag-ingat sa mga galaw niya. Umuwi na ang kanyang Kapatid at siya na lamang ang nagpa-iwan para lang makita si Celerina, ang babaeng kanyang iniligtas. Though, na mahampas ito, tinulungan niya naman itong maipasok at malapatan ng first aid.

Tumalikod siya sa babae at naglakad na parang walang nangyari.

Sa Hacienda Ferez na ako tumuloy, narito na rin naman ang mga pinsan ko at tiya't tiyo.

Ngumiti ako nang makita si Mang Juan na kumaway. Hindi ko kasi siya makita,  dahil ipinag-utos ko na sa kalayuan niya iparada ang kalesa dahil nais ko sanang walang makakita na ang isang Castillo na katulad ko ay bibisita sa isang binibini ng Ayala. Ako, walang malisya sa akin, ewan ko nalang sa mga chisme dyan.


Pananaw ng ikatlong panauhan

"Magandang gabi ho Señor, saan ho tayo?" Dinig niyang sambit ni Mang Juan, "Sa Hacienda Ferez ho, Mang Juan." Pinunasan niya ang kanyang sapatos ng panyo dahil mukhang nabasa ito, hindi nga siya nagkamali, umuulan na ngayon sa labas. Masyado siyang na-bothered nang nakatutuwang mukha ng dalaga.

Masyadong makipot ang daan na kanilang tinatahak, at isa pa mukhang ba-bagyo, malakas ang hangin at kumikidlat pa kaya tila natakot ang kabayo kaya tumigil ito, sakto namang napatigil sila sa harap ng Libreriá at Pandesal-an. Nagpaalam si Mang Juan na bibili lamang ng Pandesal, since kanina pa siya naghihintay kay Señor Pedro at tsaka humingi na rin siya ng tubig dahil mukhang nauhaw ang kabayo at tila natakot sa kidlat.

Binayaran niya ng dalawang piso para sa pandesal at tubig ang tindero, at pumasok na siya sa loob ng Libreriá. Matagal-tagal na din mula noong huli niyang nabisita ang Librariá de Manila. Naging busy kasi siya sa pag-aaral bilang Inhinyero kaya nawalan siya ng oras sa pagbabasa, although libro din naman ang binabasa niya sa paaralan, iba pa din kung nobela talaga na paborito mo ang iyong babasahin. It's the so called peace darling!

Until Tomorrow, SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon