THIRD PERSON'S POV
"Alam niyo ba kung bakit kapeng barako ang laging iniinom ni Jose Rizal tuwing umaga?" wika ni Theoden sa kanyang mga kaibigan.
Umangat naman ang tingin ni Allegra sa kaibigan. "Hmmm, why, Theoden?"
"Ayan ka na naman eh. Nage-english ka na naman. Pero ang sagot kung bakit laging kapeng barako ang laging iniinom ni Jose Rizal ay dahil kakulay niya iyon," sagot niya bago tumawa ng pagka-lakas lakas.
Inikot na lamang ni Allegra ang kanyang mga mata. "That's not even funny, Theoden. How about this, why do they consider that Clemencia Lopez was the first woman who set foot in the White House?"
"Hindi ko kilala 'yan pero bakit?"
"Because wearing slippers isn't trendy before," she laughed.
"Hindi rin naman 'yan nakakatawa eh," saad ni Theoden bago sila nagsimulang mag-away kung kaning joke ang mas nakakatawa.
"Tumigil na nga kayo!" saway ni Christophen. "Hindi nakakatawa ang mga joke niyo," asik niya.
Pumeke ng ubo ang kanilang kaibigang si Jayana na nakakuha ng kanilang atensyon. "Kaninong bahay tayo matutulog ngayon?"
Itinaas naman ng isa pa nilang kaibigang si Alennon ang kaniyang kanang kamay. "My house," wika niya. "My babe wants to watch a movie and our house is the perfect place for it," tukoy niya sa girlfriend niyang si Allegra.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "You're truly the best boyfriend in the world, babe." Lumapit siya sa kanyang nobyo at hinalikan ito sa labi.
"Masyado namang PDA! Kumuha nga kayong kwarto!" ngiwi ni Christophen.
"You don't care, Christophen. If you want, just go to your house and paint. There's no PDA there," sagot ni Allegra.
"Mamaya na, Allegra. Pakinggan niyo muna 'to. Bakit ang laki ng binayaran ni Juan Luna sa Pardo de Taveras?" tanong ni Christophen sabay ngisi.
Umakto namang nagi-isip ang kanyang mga kaibigan bago sumagot si Alennon. "Because he was ordered to?"
"Ano ka ba naman, Alennon. Siyempre, inutusan siya pero anong dahilan?"
Sa pagkakataong ito, si Jayana naman ang sumagot. "Sabihin mo nalang ang sagot, Christophen. Baka kasi hindi naman nakakatawa 'yang joke mo."
Bumuntong hininga muna si Christophen. "Dahil mahilig siyang umutang," sagot nito bago tumawa. Sumabay na din sa pagtawa ang kanyang mga kaibigang maliban kay Theoden. "Bakit hindi ka tumatawa, Theoden? Nakakatawa naman eh, tignan mo nga, tumawa sila oh."
"Wala parin kasing tatalo sa mga joke ko tungkol kay Jose Rizal." Hindi na lamang nila pinansin ang sinabi ni Theoden dahil iniisip nilang hindi naman talaga nakakatawa ang kanyang mga biro.
"Jayana, do you have some jokes with you?" tanong ni Allegra kay Jayana na busy habang nagbabasa ng kung ano sa kaniyang cellphone.
Nagtaas naman ng tingin ang dalaga bago ngumisi. "Siyempre, meron. Ako pa," tawa niya. "'Di ba si Josefa Llanes ang founder ng Girl Scout of the Philippines?" Tumango naman ang kaniyang mga kaibigan bilang sagot. "Bakit green ang pinili niyang suot ng mga Girl Scout?"
Napahawak naman sa kaniyang baba si Allegra habang nagi-isip. "Hmm, I don't know, Jayana. Why?" Napa-why na rin ang iba nilang kaibigan.
"Kasi green minded siya," sagot ni Jayana bago humagalpak ng tawa. Natawa na rin si Allegra habang ang tatlo naman ay hindi maintindihan ang biro ni Jayana.
"Oh, c'mon, boys. Jayana's joke is funny, not like the joke of Theoden." Pinandilatan naman ni Theoden si Allegra dahil sa sinabi niya.
"Teka, anong oras ba tayo pupunta sa bahay ni Alennon?" tanong ni Christophen.
BINABASA MO ANG
Taste of the Past ✔
Ficción históricaThis is my official entry for Ad Astra One-Shot Contest. Genre: Historical Fiction Words: 4000 words *** Allegra, Jayana, Theoden, Christophen, and Alennon are a group of friends who always joke about Filipino heroes. What will happen if these peop...