A/N: Heyya! sensya na ngayon lang nakapag UD. medyo mahaba to. Enjoy :3
-----------------------------------------------------------
Cind's POV
Hays, pagtapos namin magusap ni Ruel umakyat agad ako sa kwarto ko. Ayokong umiyak pero tulo pa rin siya tulo ng tulo. Ayaw niyang tumigil, ayaw talga kainis >.<
Ito ba yung sinasabi sakin ni Blue na 'dapat maging handa sa lahat ng pangyayari' Hays, ito nga siguro yun. Kailangan kong tawagan si Blue, kailangan ko sya.
-Calling Tukmol-
[Hello?]
Nagbuntong hininga muna ako *Sigh*
[Hello? Tukmol magsalita ka]
"Blue..."
Hindi ko alam pero parang gusto kong isigaw sa kanya lahat ng nararamdaman ko
[oh? umiiyak kaba? Ayos kalang?]
"Halata bang umiiyak ako? Tss, Magkita tayo"
[Ah, ano kasi..]
"Ayaw mo ba? Wala pang tumatanggi sa alok ko"
malungkot talga ako kailangan kong kausap at siya lang ang naisip ko.
[San ba tayo pupunta?]
"Sa masaya at tahimik na lugar"
[Saan nga?]
"Outer space, tahimik dun. Dun tayo"
[Gago. Ano bang problema mo?]
"Pupunta nalang ako diyan sa inyo, abangan mo ko sa gate niyo"
[Osige, 15 minutes pag wala ka dito bahala ka diyan]
"Maghanda ka ng meryenda uh' Diyan nadin ako magd-dinner"
*DOO.DOO.DOOO*
Ang kapal ba ng mukha ko? Well, sanayan nalang yan. Siguro sanay nayun sakin, ganito lang kami. Kami ang naglalapitan kapag kailangan naming ang isa’t isa. Sa kanya ko sinasabi lahat lahat ng nararamdaman ko lalo na pag may problema ako siya lang ang tinatakbuhan ko. Masyado na akong komportable sa tabi niya, nasanay na ako sa presensya niya. Masasabi ko na siya ang pinaka matalik na kaibigan ko sa ngayon
Oo matalik na kaibigan, ganun nalang naming ituring ang isa’t isa kahit na alam kong iba yung tingin ng iba samin. Ang alam kasi ng mundo na kami pero ang hindi nila alam na nagpapanggap lang kami. Siguro mas okay na tong ganto atlis napapakinabangan ko siya.
Pagtapos kong magbihis dumiretso na ako sa kanila, ginamit ko yung single motor na regalo sakin ni daddy total hindi naman ako mahuhuli ng RedBoyz kasi ilang kanto lang yung bahay naming sa subdivision nila, hindi naman ako dadaan sa highway may shortcut kasi akong alam.
Malapit na ako sa tapat ng gate nila, nakita ko siya dun sa malapit sa garden nila nakaupo kaya binilisan ko, nagbusina na ako sa gate ang laki kasi ng gate nila syempre ang laki ng bahay nila grabe sobrang yaman nila. Inutusan niya yung guard na buksan yung gate kaya pinasok ko na yung motor.
“Bat naka motor ka?” Anong klaseng tanung yan?
“Gusto ko lang, masama? San ko ba pwedeng i-park to? Gutom nako”
Kinuha niya lang sakin yung susi at inabot sa butler, yung butler nalang daw bahala kaya naman dumiretso na ako sa loob ng bahay nila kahit walang permiso sa kaniya. Ganito naman kami palagi eh, masyadong kumportable sa isa’t isa siguro sanay na talga siya sa akin kaya di niya ako binabawalan.

BINABASA MO ANG
KunwaRelationship(On-Going!)
Любовные романыIstorya ni Blue at Cindy. Because i'm inspired ayan sinulat ko :') Hope you like it! You never know what you have until you lose it, and once you lose it, you can never get it back. Cindy is afraid to care to much at hindi na rin siya marunung magti...