“SHOT PA-AA-AAA-AAH! WOOOOOOOH! Cheers para sa mga broken, wasted! Hahahahahaaha!”
Yan ang tanging isinisigaw ni Ana sa bar, ng mag isa lang. OO, tama ka MAG-ISA nga lang tlga siya. Wala na siya sa tamang katinuan, halatang marami narin ang kaniyang nainom na alak, in short..
LASING NA SIYA. In English, DRUNK.
At sa kabutihang palad, nagawa naman niyang maka-uwi.
Yun nga lang, sa di naman niya talaga bahay.
Nakapunta siya sa isang condo unit sa may Makati. Walang nakakaalam kung papaano niya nagawang maalala ang mga daan papunta dun, eh lasing pa naman siya non.
Alam niyo ba kung kanino yung condo na napuntahan niya?
Edi sa bestfriend niyang si Amyel. Sa pagkakaalam ko, di niya lang ‘to basta bestfriend, in fact di niya rin maitatanggi na may nararamdaman parin siya para sa kaibigan.
Blag! Blag! Blag!
“Oyyy parekoy! Buksan mo ‘tong pinto! Oyyy, parekoooy!” Sigaw niya sa pintuan.
Dali-dali namang binuksan yun ni amyel. Pero laking gulat niya ng, bigla nalang ito nalupasaysay sa balikat niya. Buti nalang at makisig ang kanyang pangangatawan at nagawang buhatin si Ana sa kaniyang higaan.
Pasalita-salita pa non si Ana, ng mga kung anu-anu. Pinainom siya ni amyel ng kape para mahimasmasan pero kanya lamang itong ibinuga, kaya hinayaan niya na lamang ito, hanggang sa makatulog nalang.
BINABASA MO ANG
Uncertain-TEE :)
RomanceSa buhay, wala talagang kasiguraduhan. Ika nga nila, Expect the Unexpected. pero, papaano kung sa bestfriend mo hindi ka nakakasigurado? Alamin kung anung gagawin ni Amyel at Ana.