KINABUKASAN
Pagkagising ni Ana at Amyel, magkayakap sila. Yung parang nag-spooning sila.
Nakatalikod na baluktot si Ana, tapos mula sa likod niya ay ang nakayakap na baluktot din si Amyel.
“ goodmorning pars” sabi ni Ana.
“ goodmorning beautiful” sabi naman ni Amyel.
Kinilig dun si Ana, at napangiti siya. Hinalikan siya ni amyel sa noo, sa ilong, at sa labi.
Nagulat naman si Ana, pero hinayaan nalang niya. At nilasap nalang ang moments na ganun sila.
Nasa work na silang dalawa, at parehong naka-ngiti ang dalawa habang nagta-trabaho sila.
Maganda ang kita nila Ana, at yung kay Amyel naman, ay maganda ang pagdaloy ng kumpanya na hinahawakan niya.
Nung pauwi na si Ana, hindi niya alam na nasusundan na pala siya ng tauhan ng magulang niya.
Buti nalang ay, maagang nakauwi si Amyel dahil narin sa kasabikang makita ulit si Ana.
“ oh andito kana pala, ang aga mo naman yata?” sabi ni ana.
“ oo, namiss kasi kita eh.” Sabay tawa ni amyel sakanya.
Naputol ang cheesy moments nila, ng biglang umentra ang magulang ni Ana. Sapilitan kinukuha nila si Ana, na siyang ayaw naman sumama.
Walang pinalampas si Amyel na pagkakataon, at sinabing,
“ bitiwan niyo ang girlfriend ko!” pasigaw na pagsabi ni Amyel.
“ ayaw na niya sainyo. At malaki na siya para magdesisyon sa buhay niya. Pabayaan niyo na siya sa akin, mahal ko ang anak ninyo. Di ko siya, pababayaan.”
Hinawakan ni Amyel ang kamay ni Ana,
“ At handa din akong pakasalan at panagutan si Ana. Dahil, MAHAL NA MAHAL KO SIYA.”
At simula nun, hindi na ulit ginulo si Ana ng magulang niya, at naging masaya na sila Amyel at Ana. Naging successful ang stall nila Ana, at nagkaron na ng branch ang stall nila.
Engaged to be married sila Ana at Amyel, habang si paul naman ay nakikipag-date na sa iba.
THE END!
BINABASA MO ANG
Uncertain-TEE :)
RomanceSa buhay, wala talagang kasiguraduhan. Ika nga nila, Expect the Unexpected. pero, papaano kung sa bestfriend mo hindi ka nakakasigurado? Alamin kung anung gagawin ni Amyel at Ana.