Bad trippings.

7 1 0
                                    

-KINABUKASAN-

Paggising ni Ana, wala na si amyel. Biglang napasimangot si ana dahil dito. At muling natulog.

Umalis nang maaga si amyel nun dahil, naguguluhan siya sa nararamdaman niya para kay ana. Di niya naman pinagsisisihan ang kung anung nangyari sa kanilang dalawa pero hindi maari, dahil may girlfriend siya at si wendy yun. Ngunit may kakaiba talaga siyang nararamdaman para kay Ana.

Now, HE’S CONFUSED too.

Naboring si ana sa bahay, kaya naisipan niyang mag ayus at maglinis ng unit nila. Total, bayad nadin niiya yun para sa kanyang pag-stay niya sa bestfriend niya. Nahihiya rin naman kasi siya, pero ayaw padin niya talagang umuwi sa kanila dahil masama padin ang kanyang loob sa magulang niya.

Napagod si ana sa paglilinis niya, at pagluluto ng hapunan nila. Di niya namalayan, nakatulog pala siya sa sofa.

Pagka-dating ni amyel, nagulat siya sa nadtnan niya.

Ang natutulog na parang anghel na si ana. Napangiti siya, at napansing malinis ang unit nila at may nakahandang pagkain na.

Bubuhatin na sana ni amyel si ana, nang biglang may kumatok sa pinto nila.

Pagkabukas niya, tumambad sa kanyang mukha ang mama niya.

Nagulat siya, at mejo na tense dahil di nito alam na may pinatuloy silang babae sa unit nila, at yun ay si ana.

“ Oh, ma? Napadalaw ka? Bakit po? pagtatanong niya.

“ wala naman anak, gusto ko lang kamustahin kayo ni paul.” Sagot ng mama niya.

“ okay naman po kami ma. Wag mo kami masyado intindihin. Sagot naman ni amyel.

 oh, edi mabuti. Pero, sino naman yang babaeng na natutulog na yan? tanong ng mama niya.

Kinakabahan na si Amyel. Di na niya alam ang isasagot niya. Kaya, nung biglang dumating si paul, ay nakaisip na siya ng idadahilan niya.

“ ah! siya ba? Si ana po. Girlfriend ni paul.”  Mejo nasaktan siya sa sinabe niya pero, di niya nalang pinansin dahil nga kay wendy.

Nagulat naman si Paul, ngunit sinakyan nalang niya para wala nang madaming tanong pa.

“ ah.. ganon ba? Mabuti naman at kay paul yan. Nako, lagot ka kay wendy ha? Osige, bahala na kayo dito ha? mauuna nako sainyo mga anak, Goodbye.” At hinalikan niya na ang mga ito sa pisngi nila.

Medyo natawa si Paul sa paggawa ng dahilan ni amyel. girlfriend ko pala ha? Eh bat jan siya sa room mo natutulog? Hindi ba dapat sa boyfriend niya? ”  Pang-aasar ni paul.

Nag-walk out nalang si amyel para walang away. Hinayaan niya nalang si ana sa sofa. At natulog na.

Si paul naman, naawa kay ana. Kaya sa kwarto niya nalang ito pinatulog, at sa sofa sa loob ng room niya natulog. Nirerespeto niya si ana, dahil narin sa mga dating nagawa niya sa kanya kaya di niya ito ginalaw, kahit na medyo namiss niya ito.

Di mapakali si amyel, sa ginawa niya. Nang balak niyang, kunin na sana si ana sa sofa, ay saktong nakita niyang buhat buhat na ni paul si ana sa mga bisig niya.

Nagselos siya, pero hinayaan niya nalang at idinaan sa tulog ang pagka-badtrip niya.

Uncertain-TEE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon