A big revelation.

9 1 0
                                    

 -KINABUKASAN-

Paggising niya, pinuntahan niya agad si ana sa kwarto ni paul, at laking gulat niya ng makitang magkayakap sila ni paul sa kama. Nainis nanaman siya at padabog na umalis at naghanda sa pagpasok sa kanyang trabaho.

Sobrang naguguluhan na talaga siya, kaya ang balak niya ay umamin na kay ana, sa tunay na nararamdaman niya.

 At yun ay ang umaming,

MAHAL NIYA TALAGA SI ANA.

Tuwang-tuwa naman si paul sa pang-iinis niya kay amyel at dumiretso narin sa trabaho.

Naiwan nanaman si ana mag-isa sa unit nila, kaya naisipan niyang pumasyal muna at maghanap ng mapagkakakitaan.

Habang naglalakad siya sa kalsada, ay may napansin siyang ale, na gahul na gahul sa pagluluto ng street foods. Kaya naman ay nagpresenta siyang tulungan niya ito.

“ ate, tulungan na kita, mukhang mag-isa ka lang po ah? sabi niya.

“ ay, oo iha. May sakit kasi yung kasama ko eh, osige tulungan mo nako. Sabi ng ale.

Nagsimula na siyang magluto ng kung anu-anung street foods. Na-enjoy niya yun, at di namalayang gabi na pala.

“ ang dami nating kita ah? Gusto mo bang dito kana lang magtrabaho iha? sabi ng ale.

“ oh sige po. Okay lang po. Masaya naman po eh. Salamat po ate.” Sabi ni ana.

“ bukas ulit ha? Sige na uwi kana. Ako na lang mag-aayos dito. sabi nung ale.

“ nako wag po, tulungan na kita.” pagpupumilit naman ni ana.

Nakangiti siya habang pauwi siya. May dala siyang kaunting pera galing sa kita nila kanina.

Ngunit,

Bigla itong nawala nang makita niyang di inaasahan ang mga magulang niya na hinahanap siya.

Agad siyang nagtago muna at hinintay na mawala sa paningin niya ang magulang niya.

 Samantala, sa unit naman nila amyel ay..

.

.

 .

Sobrang nag-aalala na siya kay ana. Galit na galit na itong nakikipag-away kay paul dahil, di niya daw binantayan ng mabuti si ana.

Nung dina makita ni ana yung parents niya. Agad siyang tumungo sa unit nila amyel. Agad niyang sinarado ang pinto.

Laking gulat naman ‘to ni amyel at agad na niyakap si ana.

Na ikinagulat naman ni ana. Wala naman kasi siyang idea na nagaaway na pala sila ni paul dahil sa kanya.

Habang magkayakap.

 san ka ba nagpunta ha? Akala ko nawala kana, akala ko umalis kana. Akala ko iniwan mo nako.

Mangiyak-ngiyak si amyel habang sinasabi niya yan kay ana. Naguluhan naman si ana, pero natuwa narin naman sa sinabi ng bestfriend niya.

 bakit naman kita iiwan? Diba bestfriends tayo. Di ko gagawin yun. Sorry na kung nag-alala ka, eh kasi naman nakakahiya na nakikitira ako dito sainyo. Kaya naghanap ako ng work. Eto oh, 

inabot niya yung pera na kita niya kanina. 

kita ko yan, nung may tinulungan ako sa stall diyan lang sa may kalsada kanina. Sabi nga nung may-ari pwede na daw ako dun mag-work bukas. Kaya wag moko hahanapin bukas ha? Uuwi naman ako agad. Sige na, tulog na tayo,pagod narin kasi ako.

At natulog na sila. Nakita ni paul yung eksena na yun at umiwas na lang. dahil ramdam naman niya na may something talaga between sa kanila.

Uncertain-TEE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon