Ang buhay ng tao ay parang bulaklak. Ewan feeling ko lang parang ganun.
Alas dose na ng tanghali ng magising ako sa beauty rest kuno ko. Dapat hindi pa ako gigising nun eh kaso may bisita daw at ang hanap eh ako.
Sino naman kaya ang bibisita saken eh wala naman akong ka-close na iba? Loner ako duh.
"Jiro, tapos kana?" Katok ni kuya sa pinto
"Malapit na kuya, hintayin nyo nalang ako sa baba" sagot ko habang nag-susuklay. Bwisit haba-haba, papagupit na talaga ko
Di naman pwedeng harapin ko yung bisita na hindi ako nag aayos. Baka kung ano nanamang masabi sakin ng magaling kong pamilya
Lumabas na ako ng kwarto at hihikab-hikab pa na bumaba. Nasa may hagdan palang ako naririnig ko na ang tawanan nila papa. Sure ba sila na bisita ko yun?
"Oh ayan na pala si Jiro eh. Jiro natatandaan mo pa ba sya?" panimulang tanong ni lolo
Matandang lalaki na ang laki ng ngiti ang nakatingin sakin. Sa totoo lang ang creepy.
"A-ah…hindi po" diretyong sagot ko
"Si Tito Marcus mo"
"Tito Marcus? Sin---tito Mar?! Hala ka! Kayo talaga yan? Akala ko po out of country kayo?"
"Ay hindi ba ko pwede bumalik? Sige Charles alis na ulit ako" sabi ni Tito Mar kay papa
"H-hindi po sa ganon Tito Mar, ang ibig ko pong sabihin eh ano---"
"Biro lang HAHAHAHA, Ang totoo eh kakauwi ko lang ngayon. Naisip kong dalawin ang pinaka paborito kong pamangkin kaya eto ako"
"S-salamat po Tito Mar"
Umupo ako sa tabi nila ni lolo. Nakakapanibago si Tito. Hindi kasi ganito kalaki si Tito eh, para na syang si Hagrid.
Si Tito Marcus ang Tito ko sa side ni papa. Sya ang pinaka kasundo ko sa pamilya Odeon sumunod si Kuya at Rocky. Hindi ko kasi talaga close ang mga kamag-anak at kapamilya ko eh.
"Jiro totoo bang ikaw ang Napili sa Cezanne?" tanong ni Tito
"Opo, nakakapag-taka nga po eh. Wala naman akong kakayahan para maging hero eh"
"Jiro, kesyo meron oh wala. Pwede kang maging hero sa sariling paraan mo"
"Pwede nga po pero…"
"Pero?"
"♪pero ang dapat gawin, kumain ng gulayyy♪"
"Ano?"
"Ah! Eh ano wala po yun kanta namin nung nutrition month hehe" nakakahiya!
"Ahh, sya nga pala. May dala ko dito baka makatulong dyan sa pag pasok mo"
Nilabas ni tito yung sinasabi nyang dala nya na makakatulong sakin sa pag-pasok. Akala ko answer key sa mga test di pala.
"Chalk? Gagawin ko dito tito?"
YOU ARE READING
Cezanne Academy (school for aspiring elites) The Beginning
FantasySchool for new, for new aspiring heroes.