IV

2 1 0
                                    

Yung iba pag nakakarinig ng makulay otomatiko krayola agad ang naiisip nila. Ako hindi. Kase ang pumapasok sa isip ko eh

'Makulayyyy, ang buhayyyyy, Sa knor ginataang gulay!'

Speaking of knor at gulay, yung buhok ko parang nag nutrition month. May nalalaman pa kasing pakulay kulay tong si Claudia eh.

"Oh ayan! Tapos na! Ang bongga mona jiro!" tuwang tuwang sabi ni Claudia

"Bongga nga eh, nalate yata ako ng nutrition month"

"Duh, jiro look. Titigan mo yang sarili mo, it suit on you!"

May point nga naman si Claudia. Bumagay sakin yung buhok tyaka kulay. Ngayon lang kasi talaga ko nagpa-short hair.

Ang akin lang, bakit parang hindi ako to? Sa sarili ko oo alam ko na hindi ako maganda. Binubuhat ko lang ang sarili kong bangko ano! Tapos binawasan lang ang buhok ko tyaka kinulayan, nag iba agad.

"Sabagay, oh sige magkano ba?"

"No need, Buena mano ko na yan sa pag pasok mo sa Cezanne! Give all your best ha!" Sabi nya habang nakataas ang mga kamay

Hindi ko ata matandaan na sinabi ko sa kanya na sa Cezanne ako mag aaral.

"Panong…"

"Hindi ko pa nasabi sayo no? So for you to know. Naririnig ko ang iniisip ng isang tao, sa twing mahahawakan ko ang buhok nila otomatiko na maririnig ko ang iniisip nila"

Pati pala si Claudia ang pro na bakla may powers keneme din? Nakakainggit naman

"Ji, wag ka mainggit. Ako nga ang naiinggit sayo eh kase ikaw nakuha ka ng Cezanne ako miski uwak nila hindi ako madalaw dalaw!" pagmamaktol nya

"Eh? HAHAHAHA kahit kailan talaga Claudia para kang ano"

"Ano?"

"Tanga"

Tinaas nya ang gitnang daliri nya bago sumalampak ng tawa. Sabihin nating close kami ni Claudia kase mabait sya saken. Minsan nga lang may engeng.

"Wala kong engeng"

"Ay, hehe joke joke lang"

"Hay nako tama na ang tawanang ito mauubos ang beauty ko sayo. Tara na dun kila Patrice at kumain" yaya nya papunta sa kumare nyang bakla din

Pag-labas namin nagsarado muna si Claudia. Malapit lang ang kainan ni Patrice kaya nilakad nalang namin.

Pero sa pag-lalakad namin hindi nawala yung mga chismosa't chismoso na bulong ng bulong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cezanne Academy (school for aspiring elites) The BeginningWhere stories live. Discover now