Chapter 2: Mistaken Princess

176 4 5
                                    

Thank you for visiting my second chapter!

Chapter Two

May magagawa pa ba ako eh nandito na ako sa harap ng school gate ng Royal Crown Academy? Lalakasan ko pa ba ang loob ko para pumasok? Ah ah naman eh! Kalat na yun for sure mamomorblema ako nito pagpasok ko. Atras na kaya ako? sasabihin ko may LBM ako--

"AHHHH!!! BITAWAN NYO KO--hhmmmppp"

Hindi na ako nakasigaw dahil may humawak na sa bibig ko at piniringan na ang mga mata ko. WHHHHAAAA!! Kidnap to!!! Naramdaman kong pinasok nila ako sa kung saan habang umaandar. Grabe! wala bang nakakakita sakin na kinidnap ako? Ganun na ba ako ka invisible? Sana naman may humingi ng tulong. Ayoko pang mamatay!!

"Hmmppp---hmmmpp" pilit kong palag.

"Ano ba! Tumigil ka kung ayaw mong masaktan! Ikaw lang ang kailangan para makalabas si tatay sa kulungan at mapabagsak ang Palasyo!" sabi nya. Ako? Anung kinalaman ko sa Palasyo at sa tatay nya? Wala nga akong pake alam sa Palasyo eh tas ako ang kailangan nila para mapabagsak daw sila? Ano namang problema ng mga ugok na to?!

"Patulugin mo na yan. Baka magwala pa yang batang yan!" utos ni goon #1

"Yes boss"

Tapos may itinapat silang panyo at nakaramdam ako ng antok.

Monterro Palace

"Mahal na Hari, may nagpadala po ng videong ito sa atin. Mahalaga po ito na mapanuod nyo." saad ng kanang-kamay ng hari.

"Panuodin natin." Utos ng Hari.

Agad namang sumunod ito at ipinlay na ang video

"hhhmmmppp---!!!" isang babaeng may busal sa bibig at nakatali ang mga kamay ang tumambad sa kanilang telebisyon.

"Kita mo sya hah? Haring Albert?!! Ibigay nyo samin ang kalayaan ng tatay ko kung ayaw nyong mamatay ang girlfriend ng prinsiple nyo at ipagkalat naming dahil sa kaduwagan ng Palasyo kaya namatay ang isang inosenteng buhay. Wag na kayong maramot Mahal na hari. Sebastian Garra ang pangalan ng papalayain nyo at kung hindi, wala na ang magiging prinsesa nyo bukas ng 3 ng madaling araw. Maliwanag? Mahal na Hari at Prinsipe?"

Agad naging itim ang screen habang nakakunot at nuo ng Hari.

"Tawagin mo si Sean, madali at ikalat mo ang mga tao natin para mahanap ang babae"

"Masusunod po."

"Sean! hanggang kailan kaba sakit ng ulo?!" sambit ng Hari dahil sa init ng ulo.

Sa kwarto ni Sean

"Mahal na prinsipe, nais ho kayong makita ng Hari." sabi ni Greg na kanang-kamay ng Hari

"Bakit naman daw?" Walang galang na sagot ni Sean habang naglalaro ng video games mula sa kanyang xbox.

"Ang Hari na lang ho ang magsasabi sa inyo. Hinihintay ho kayo ng Hari sa kanyang opisina."

"sabihin mo ayokong bumaba, busy ako."

"Pero--"

"Umalis kana"

Pag kaalis ni Greg ay agad namang nag ring ang telepono ni Sean.

"Louisse."

Imperfect PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon