Chapter 8: ititgil ko na

38 5 0
                                    

SHIELA's POV

nasaan na kaya si Paul? Napansin ko lately parang hindi siya nagpaparamdam.

Recess namin ngayon. Bakit ganito yung mga babae? Para silang ewan. Nakasuot ng black shoes e P.E. namin ngayon. Tinanong ko yung isa kong classmate.

"Bkt ka naka black shoes?"

"Ano ka ba. Ito uso ngayon. Si Jana kasi naka black shoes kaya ginaya namin." Sagot niya sa akin.

"Ahh, ganon ba?"

Oo nga pala sabi ni Ray tutulungan niya akong makausap sila Jana. Sana un nalang ang regalo ko sa kanya, Ang magkabati kami. Tsaka iisip rin ako ng magandang regalo.

Bumalik na kami sa room.

P.E. class na namin. Pumunta kami ng gym.

Si Paul un diba? Kasama niya si Gab at si Ray.

Nagpapraktis sila ng basketball.

"Shiela! Ano pang ginagawa mo dyan? Maupo ka na dito." Hala si sir un.

"Opo sir." Sagot ko.

Biglang napatingin si Paul. Kinawayan ko siya ng naeexcite.

Pero...

Bakit ganun? Nginitian niya lang ako tapos bumalik na siya sa paglalaro. Nalungkot ako. Bakit para niya akong iniiwasan?

Tulad rin ba siya ng iba kong ex? Porket naka kuha na siya ng pera sa akin itatapon niya nalang akong parang basura?

....

...

...

...

Natapos ang P.E. class namin. Pagtingin ko sa mga nagbabasketball, wala na sila Paul. Iba na yung mga nglalaro.

PAUL'S POV

"Uy Paul! Bkt bigla tayong tumigil maglaro?" Tanong ni Ray

"Pagod na ko e..." Sagot ko.

"Pagod o iniiwasan mo lang si Shiela?" Sabat ni Gab.

Tumahimik lang ako, habang sila nakatingin na para bang nag aantay ng sagot ko.

"Ano Paul? Iniiwasan mo si Shiela noh?" Sabi sa akin ni Gab.

"Uy Paul! Kung ayaw mo na kay Shiela, tigilan mo na siya! Kawawa naman yung babae. Nahihirapan na nga sa mga kaibigan niya, pinapahirapan mo pa! Akala ko ba naguiguilty ka na!?" Sabay walk out ni Ray.

0_0 nagulat ako. First tym lang akong ginanun ni Ray.

"Hehehe... Sorry Paul ha... Sundan ko muna yung mokong na yun. Tuturuan ko ng leksyon!" Sinundan ni Gab si Ray.

Napaupo ako na para bang hinang hina. Sa totoo lang nahihiya ako kay Shiela. Kaya siguro para ko siyang iniiwasan.

Totoo naman yung sinabi ni Ray. Kahit na aanga anga yun, ngayon ko lang siya nakitang magsalita ng may sense. Wala akong karapatang magalit sa kanya dahil totoo yung sinabi niya.

Ano na ba dapat kong gawin?

...

...

...

Ititigil ko na to...

...

...

...

Kaso pano?

Saan ako mag sisimula?

Hindi ko alam...

are you played by fate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon