Chapter 9: Break up

52 3 0
                                    

Kinabukasan sa school

"Pre ano? Now na?" Sabi ni Gab.

"Anong now na?" Tanong ni Ray

"Basta, manood ka nalang...." Sagot naman ni Gab

"Tara na... Nasaan ba si Shiela." Tanong ko.

Sige pumunta ka muna sa likod ng building, hintayin mo siya dun. Kami na tatawag sa kanya.

"Tara, Ray samahan mo ako." Hinanap nilang dalawa si Shiela. Habang ako naman nagpapractice ng sasabihin ko, habang nag aantay...

...

...

...

Pagkalipas ng 10mins.

Naiinip na ako.. Ang tagal naman ng dalawang yun o...

"Paul?"

Nagulat ako, sabay tayo ko.

"Shiela... Andyan ka na pala." Sabi ko habang kinakabahan....

Paul... Stay cool... *inhale *exhale

"May sasabihin ka raw sabi nila Gab?" Tanong ni Shiela

"Ahhh ee.. Oo." Ito na po. Pano ko sisimulan?

"Paul? Pinapakaba mo naman ako e... Alam mo ba lately, napansin ko iba kinikilos mo... May problema ba? Parang iniiwasan mo ako. Yung mga text at tawag ko, wala man lang sagot kahit isa. Ayaw mo na ba sa akin?" Sinasabi ni Shiela habang naiiyak na.

Kailangan masabi ko na to...

"Shiela, sorry... Aaminin ko na sa iyo yung totoo. ... Niligawan kita dahil sa pera mo... Tulad rin ako ng iba mong ex..." Hindi ko siya tinitignan habang nagsasalita ako. Ayokong makita yung magiging reaksyon niya. Baka Hindi ko makaya.

"Pero kaya ko sinasabi sa iyo ngayon to dahil magbabago na ko. Hindi totoo na may kapatid akong na ospital. Kaya Ibabalik ko sa iyo yung P80,000 mo para patunayan ko sa iyong nag sisisi na ako. Bigyan mo lang ako ng panahon."

Hindi umiimik si Shiela. Sana naman mapatawad niya ko.

Pagtingin ko sa kanya.

Iyak na pala siya ng iyak. "Paul, bakit? Anong dahilan? May ginawa ba ako sayo para gawin mo sa akin to? Tama pala sila Jana. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko sila pinakinggan."

"Oo tama ka, matagal na nilang alam at matagal na rin nilang gustong sabihin sayo. Walang kasalanan si Jana, at kahit kailan Hindi ka niya niloko. Ako ang nanloko." Paliwanag ko.

"Bakit sinasabi mo ngayon to?" Tanong ni Shiela.

"Sorry Shiela." Yun lang ang nasabi ko sa kanya.

Tumakbo si Shiela.

Napa upo ako... Ang sama sama kong lalaki... Napaka sama ko...

Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal na pinakita sa akin ni Shiela.

Pero...

Magbabago ako para sa kanya....

...

Para Kay Jana...

SHIELA'S POV

Nakakainis ako... Ang sama sama kong kaibigan... Ang tanga tanga ko...!!!

Tumatakbo ako habang umiiyak ngayon...

As usual...

Science lab lang naman ang pinupuntahan ko, tuwing heart broken ako...

Kaso,... .. Huh uh hu.... Lalo akong naiiyak dito....

are you played by fate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon