Chapter 1

98 2 0
                                    

The Lost Princess: Royal Bloods

Chapter 1 [Tao ba sya?]

Katherine's POV

Kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng Apartment ni Katniss, naghihintay na pagbuksan ng pinto. Biruin mo ba naman. Kumatok ako ng maraming beses, walang sumasagot o nagbubukas. Nang mapuno ako, kinalampag ko tsaka sya sumagot. Siraulong babae.

"Katniss! Ano ba?! Kanina pa ako dito!" sigaw ko. Nakakainit ng ulo. Mainit na nga dito sa labas, lalo pa nyang papainitin.

"Ito na! Ito na!" tsaka bumukas yung pinto.

*puuuuk

"Ano bang ginagawa mo't ayaw mo kong pagbuksan ng pinto?! Kanina pa ako dito!" bulyaw ko sa kanya pagkatapos ko syang batukan.

"Ang sakit nun!" hinimas himas pa nya yung ulo nya.

"Talagang masakit yun! Ano ba kasing ginagawa mo?!" iniiba yung usapan, galing talaga nito e.

"Ano kasi... Nanunuod ako."

"ANO?! Siguro... yun nanaman yung pinanunuod mo no?!" dahan dahan syang tumango. "Aiissshhh!" pumasok ako tsaka dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Kanina pa tuyo yung lalamunan ko sa kahihintay tapos sa kalokohan nitong si Katniss.

"Ang ganda kaya! Ang pogi pogi pa nung bida!"

*puuuuk

Pabagsak kong nilapag yung baso tsaka sya tinignan.

"Nakailang sabi kana ng pogi? Ilang beses mo na bang napanuod yan? HINDI KA BA NAGSASAWA?!" halos lumabas na yung eyeballs ko dahil sa sobrang irita. Halos araw araw daw bang panuorin.

Iniwan ko na sya sa kusina tsaka dumiretso sa kwarto. Araw araw na lang akong nakukunsumisyon sa kanya. DIVERGENT MOVIE yung pinapanuod nya. Ang pogi daw nung bidang lalaki, si Tobias. Tch.

Binuklat ko yung notebook ko ng makareview ng lessons para sa quiz bukas.

Busy'ng busy ako ng biglang bumukas yung pinto. Napatingin ako kay Katniss na ngiting ngiti pa.

"Oh? Ano?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Eto naman, ang sungit sungit mo ngayon. Meron ka ba?" napa face palm ako dahil sa sinabi nya.

At dahil may hawak akong notebook, binato ko sakanya tsaka nagtalukbong ng kumot.

"Katkat. Sorry na. Hindi na mauulit. Pleaseeee" inalog alog nya ako hanggang sa mapuno ako.

Inalis ko yung kumot na nakatalukbong sakin tsaka umupo.

"Tantanan mo nga ako, Katniss! Puro na lang hindi na mauulit, hindi na mauulit. Eh, lanya! Pang ilang hindi na mauulit yan?!"

Katniss's POV

Kitang kita ko yung mga ugat ni Katkat na halos sumabog na. Tapos habang nagsasalita pa sya, with feelings and hand gestures. Hehehe.

"Last na to, PROMISE!" tinaas ko pa yung kanang kamay ko na parang nanunumpa.

"Arrrrggg!" hinampas nya yung kamay ko na nakataas. Masakit T.T "Inaantok na ko! May quiz pa tayo bukas!" biglang talukbong. Ang sungit sungit talaga nitong si Katkat. Ay, Oo nga pala. May quiz kami bukas.

*Sign of the cross

"Katkat? Tulog kana? Ano nga ulit yung iku-qui-"

"Arrrrrrrrrrrrrgggggggg!" napatalon ako ng bigla syang umupo tapos may kasamang sigaw. "Nag-aaral ka ba?!" sabi na nga ba e. Tumitirik yung mga mata nya.

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon