Chapter 2

58 1 0
                                    

The Lost Princess: Royal Bloods

Chapter 2

Katherine's POV

"Nakapagreview ka ba?" paglingon ko, wala na pala akong kausap. Saan nanaman nagpunta yung babaeng yun. (_ _ ")

Kanina lang nauuna sakin yun, ngayon naman nawala na. Aissh! Problema talaga yung babaeng yun e.

Naglakad lakad ako hanggang makarating ako sa second floor. Pagod na ako! Yari talaga sakin yun kapag nakita ko yun. Pinaiinit nanaman ang ulo ko. Arrrgg.

"Hahahaha! Grabe! Pahiya sya dun!"

"Kaya nga e. Hanggang ngayon pa nga, tulala pa!"

"Ano nga ba ulit pangalan nun?"

"Katniss yata. Yun yung naririnig kong bulungan ng mga ibang estudyante e"

Napalingon ako sa dalawang nagchichismisan na dumaan sa harapan ko.

"Hoy!" napalingon naman sila sakin pero tinaasan nila ako ng kilay.

"Maka 'hoy' ka ha? Sino ka ba!" nilapitan nila ako.

"Ano pinag-uusapan nyo? Nasan si Katniss?!" napansin kong napangisi silang dalawa.

"Ah.. Yung babae bang baliw? Andun sa harap ng gate! Hanggang ngayon tulala parin kasi napahiya siya ni Tristan! Hahaha!" hindi ko na pinansin yung pagtawa nila baka kasi masapak kong wala sa oras.

Dali dali naman akong tumakbo papunta sa gate, at tama nga sila.. Tulala parin hanggang ngayon si Katniss. Wala na yung mga taong nagkukumpulan. Mga estudyante na lang na papasok at napapatingin sakanya. Biruin mo ba naman, nakanganga pa. Tch.

"Hoy!" nakita kong nagulat sya. Tumingin sya sakin pero nakanganga parin. "Mukha kang tanga! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sakanya pero hindi parin sya natitinag.

Nagulat ako ng bigla nyang pinagdikit yung palad nya tsaka tinabi sa mukha nya sabay sabi ng..

"Ang gwapo nya! Kamukha nya si Tobias! Hihihihi!" napa face palm ako bigla dahil sa narinig ko. Pati ba naman dito. Arrg.

Walang sabi sabi kong hinawakan yung braso nya tsaka hinila papasok ng school, dumiretso na rin sa room. Nakakahiya naman kung malelate kami. First honor ako at star section. Isang himala lang ng Second honor tong isa.

Pagkaupong pagkaupo namin ni Katniss na nagdedaydream parin, dumating na yung teacher namin.

Nagdidiscuss yung teacher namin nung biglang may sunod sunod na katok, as in walang hinto. Napansin kong sumama yung timpla ng mukha ni Ma'am e.

Sabagay, kung ako rin yun. Nasa kalagitnaan ka ng pagdidiscuss ng biglang may kakatok ng walang hinto. Baka ng nasapak ko pa yung taong yun e.

Pagbukas ng pinto, sya ring pagtili ng mga babae at kasama pa tong katabi kong si Katniss. Napatakip ako ng tenga, diniinan ko pa yung pagtakip kasi lalong lumalakas.

Tinignan ko yung mga taong nasa harapan. Kaya naman pala.

Napadukduk yung mukha ko sa lamesa dahil problema nanaman to.

Ayoko nang dumagdag sya kay Katniss na magpapainit ng ulo ko.

Jusko. Masungit ako pero nasa lugar naman. Bakit nyo ko pinarusahan ng ganito.

"Have a seat boys" sabi ni Mrs. Sevilla sa mga lalaking nakatayo sa harap.

Tinatakpan ko ng palad ko yung mukha ko para hindi nya makita yung pagmumukha ko. Kaso, FAIL..

"Kat." hindi ko sya pinansin. "Classmate ulit tayo. Hahaha" naparoll ung mata ko dahil sa sinabi nya.

"Katkat? Magkakilala kayo?" tinignan ko si Katniss.

"HINDI" napaatras sya sa gulat nung sinigaw ko yun.

"Ahhm. Miss? Diba ikaw yung babaeng bastos na tumayo sa harapan ko kanina sa gate?" pagkasabi nya nun, napatingin ako kay Katniss.

*nod* nakng. Sya pala dahilan ng pagtulala ni Katniss.

"Pedeng dun ka nalang sa harapan. May vacant seat dun" nakangiti pa ang engot.

"Eh bakit hindi ka dun umupo?!" sigaw ko sakanya dahilan para mapatingin ang lahat sakin.

"Namiss ko kasi yung LARUAN ko!" napakuyom ako kapag naaalala ko yung ginawa nya sakin.

Humarap ulit sya kay Katniss. "Please?"

Biglang tumayo si Katniss at umupo sa harapan. Ang loko naman ngiting ngiti.

---

Buong klase tahimik tong katabi ko. Minsan nga napapaisip ako na baka mamaya nag-iisip na yan ng gagawin nya sakin e.

"Class Dismiss" sabi ni Mrs. Sevilla.

Nagtayuan na yung mga classmate ko. Yung iba, nag-aayos pa ng gamit, yung iba naman lumalabas na. Pero yung katabi ko nakaupo lang at naka de-kwatro pa.

"Katkat! Tara na!" nasa pintuan na si Katniss at hinihintay ako.

"Mauna kana Miss! May pag uusapan pa kami!" tumango tango naman si gaga tsaka tumalikod at naglakad paalis.

Pagkalagay ko ng gamit ko sa bag, sinuot ko na tsaka naglakad papunta sa pintuan ng biglang mayhumawak sa braso ko.

"Ano nanaman?!" bulyaw ko sakanya.

"Hindi mo ba ko namiss?" ngiting ngiti pa. Sarap sapakin.

"Bakit naman kita mamimiss? Nakakamiss ba yang mukha mo? Mukha mong halos gusto ko nang tadtarin ng thumbtacks" sagot ko.

Hindi sya sumagot. Pero nilagay nya yung bag nya sa kamay ko.

"Hintayin ko yang bag ko sa tambayan namin" tsaka nakapamulsang lumabas ng room.

"MAMATAY KANA! ARGGG!" hinagis ko yung bag nya tsaka tinapak tapakan. NAIINIS AKO! NAIINIS AKO!

---

Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng tambayan ng hayop na lalaking yun.

Kung nagtataka kayo kung ano to.. May sarili silang room na tambayan kung tawagin nila. Parang sa mga story sa wattpad.

Oo na! Nagbabasa ako ng wattpad.

Rinig ko dito sa pwesto ko yung tawanan sa loob. Sigurado akong ako yung usapan nila kaya tawa sila ng tawa.

Titig na titig ako ngayon sa doorknob kasi hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.

Kung papasok ako, pagtitripan nila ako. Kung hindi naman, lagot ako. Mas malala pa sa trip yung gagawin nila sakin.

Hahawakan ko na sana kaso nafreeze ako ng biglang bumukas yung pinto at bumungad sakin yung mukhang sinusumpa ko.

"Pupuntahan na sana kita. Buti andito kana *smirk" tinarayan ko sya tsaka hinagis yung bag nya.

"Di na kailangan! Tse" tumalikod na ako kaso parang umikot lang rin ako kasi hinarap rin nya ako sakanya.

"Hindi pa ako tapos. Wag kang mag alala, may pagkain kana dito *evil grin"

*bogsh

"Aray! Bakit mo ako sinuntok!"

"Hanggang ngayon parin hindi ka nagbabago! Walanghiya ka parin!" tsaka nagwalk out.

Kapal ng mukha. ARRRRRGG.

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon