Chapter 4

63 2 0
                                    

The Lost Princess: Royal Bloods

Chapter 4

Katherine's POV

"Huh?"

"Tama po ang narinig mo?"

"T-teka? Bakit?" nataranta ako.

"Importante po" sagot naman nung isa.

"Teka, Katkat? Anyare sayo? Bakit namumutla ka?" hindi ko rin alam.

"Magbihis na ho kayo" tumango tango naman si Katniss.

Kinaladkad ko na si Katniss papunta sa kwarto.

"Katkat? Ano bang nangyayari sayo?"

"Baka kasi mamaya, niloloko lang nila tayo" pabulong kong sabi.

"Ano kaba? Walang masama kung sasama tayo sakanila. Tsaka malay mo, may importante nga talaga" tumango tango ako pero hindi pa ako kumbinsido.

"Bihis kana rin Katkat" tinitignan ko lang syang magbihis.

"Hindi talaga e" napahinga ako sa kama. Hindi parin ako kumbinsido.

"Ano ka ba Katkat! Naghihintay sila sa baba!" tinignan ko sya. Naka Summer Dress sya.

"Bakit ganyan suot mo?"

"Wala na akong masuot e. Naalala ko, hindi pa ako nakapaglaba ng damit" nakangiti pang sagot. "Magbihis kana, dali!" hinila nya ako patayo pero tinabing ko lang kamay nya pero nagbihis na ako.

Pagbaba namin, nakaupo sila sa supa tapos nakadekwarto pa. Di ko alam kung Body Guard o Artista ba sila e.

"Ready na po kami!" sigaw ni Katniss dun sa mga sitting-pretty.

"Sumunod po kayo sa amin" lumabas sila kaya sumunod kaming dalawa ni Katniss. Actually, parang si Katniss lang, hatak hatak nya lang ako e.

Paglabas namin sa apartment, sumalubong samin yung sobrang habang sasakyan. Ewan ko ba kung anong tawag dun. Hindi naman ako mayaman e.

Binuksan nila yung pintuan ng sasakyan tapos pinapapasok kami.

"Sigurado kaba?" bulong ko kay Katniss.

"Ano ka ba Katkat. Diba ang tapang tapang mo! Bakit ganyan ka ngayon?"

"Eh siraulo ka pala e. Buhay natin nakataya dito!" singhal ko.

"Hahahaha" tignan mo to. Nagawa pa akong tawanan. "Tara na kasi!" hinatak nanaman nya ako papasok ng sasakyan kaya no choice ako kundi sumama.

---

Hindi ko alam kung nasan kami pero ang tanging alam ko lang, nasa palasyo kami. Ewan ko ba. Hindi naman ako mahilig sa usaping hari't reyna.

"Katkat? Nakikita mo ba yun? Ang laki laki grabe!" pumapalakpak sya.

"Malamang! Hindi ako bulag!" padabog akong sumandal sa sandalan ng kinauupuan ko tsaka nag cross arms.

"Ang sungit sungit mo talaga, Katkat! Sa tingin mo? Anong kailangan nila?" tinignan ko sya.

"Bakit? Sinabi ba nila satin kung ano yun?" umiling iling sya tsaka binalik yung tingin sa bintana.

Napadiretso ako ng upo ng biglang tumigil yung sasakyan sa harap nung napakalaking pinto. Tapos may nagbukas nung pintuan ng sasakyan.

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon