Chapter 3

70 2 0
                                    

The Lost Princess: Royal Bloods

Chapter 3

Katherine's POV

Arrg. Nakakainis talaga! Sarap nyang lunurin sa kumukulong tubig na may halong asido tapos.. tapos.. ARGGGG.

Naglalakad ako ngayon papuntang Cafeteria para puntahan si Katniss. Dinadalian ko na kasi hindi yun kumakain na wala ako. Ganun talaga.

Pagpasok ko sa entrance ng Cafeteria, nakita ko kagad si Katniss. Nakapalumbaba tapos tulala na naman. As always. Hobby nya yun e.

"Katniss!"

"Katkat! Akala ko, hindi ka na pupunta e. Kanina pa ako dito! Gutom na gutom na ako!" hinimas himas pa nya yung tyan nya.

"Eto na nga e!" hinatak ko na sya para pumila.

May iilan ilang estudyanteng ngayon palang kakain. 20 minutes na lang time na kaya, half rice lang binili ko. Busog na naman ako.

"Waaaaaaah! Si Tristan!!"

"Waaaaaaaaaaaaah!"

"Omagad! Omagad! Omagaaaaaaaad!!"

"PUNYETA! KAYO LANG BA TAO DITO! ANG INGAY NYO!" bulyaw ko sa mga babaeng nagtitilian.

"Ang highblood mo talaga! Meron ka siguro?" *death glare

"Ako ba hindi mo titigilan?" hinigpitan ko yung hawak ko sa tray saktong kakakuha ko lang kasi.

"Inaano ba kita? Masama na bang magtanong? Kailan pa nagkaron ng batas na bawal magtanong?" nagiismirk sya at halata kong nang aasar sya.

"Waaaaaaaaaaaaah!"

"Omagad! Omagad! Omagaaaaaaaad!!"

"Fafa Tristan! SHIT! How dare you, BITCH!"

Hindi ko sila pinansin. Nawala tuloy gutom ko. Dumiretso ako sa table namin ni Katniss. Hihintayin ko na lang syang matapos kumain tutal wala na yung pagkain ko.

"HOY! SAN KA PUPUNTA! KAT!" hindi ko sya pinansin. Dirediretso lang talaga ko. Walang lingon lingon kahit si Katniss rin tumatawag.

Pagkarating ko sa pwesto namin, umupo ako. As in upo, upong pagdonya. Syempre kailangan yun. Hehehe. *Evil laugh

"Katkat! Bakit mo ko iniwan?~ Tsaka bakit mo tinapon yun pagkain? Nadumihan tuloy si Tristan!" bigla akong napatingin sakanya.

"Okay na sana e! Binanggit mo pa yung pangalan ng HAYUP na yun!" talagang diniinan ko yung pagkakasabi ng hayup tapos kasama ang pagtingin kay Tristan na nakapwesto sa kabilang lamesa.

"Grabe ka makahayop ha!"

"Waaaaaah!"

"Bakit parang iba ugali ni Tristan kapag si Katherine kausap nya?"

"Baka may past sila!"

Nyeta. Sinamaan ko lang ng tingin yung tatlong babaeng nagbubulungan.

"Katkat. Bakit galit ka kay Tristan? Naging ex-" natigilan sya ng bigla ko syang bigyan ng nakakamatay na tingin.

Hinintay ko na lang matapos si Katniss tsaka kami pumunta sa room. At dahil classmate kami nun HAYUP na yun, nakabuntot sya samin ngayon.

Pagpasok namin sa loob, kami na lang kulang. Dumiretso na si Katniss sa pwesto nya samantalang ako halos hindi makaupo dahil sa makakatabi ko yung HAYUP na yun.

Pagkaupong pagkaupo ko, sya ring pag upo nung katabi ko.

Napansin ko lang, madumi pa rin yung damit nya at wala syang balak linisan.

"Mr. Dela Vega, bakit madumi yang damit mo?" tanong ni Ma'am na ngayon lang napansin. Nagsusulat kasi sya sa board nung pumasok kami.

"Ahh, Ma'am. May estudyante kasing nakatapon. Hindi naman ako nakapagpalit kasi time na" sabay tingin sakin.

"Wag mo kong tignan! Baka tusukin ko yang mata mo!" bulyaw ko sakanya.

*paakk "Ms. Lee!" sigaw ni Ma'am na may kasamang hampas pa sa table nya.

Lumapit sya sakin.

"Ms. Lee! First Honor ka tapos ganyan ang ugali mo?! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mong gumalang ha?!" sermon nya sakin.

Yumuko lang ako, samantalang yung katabi ko.. Nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Sa susunod na marinig pa kitang nagsasabi nyan, idadrop kita sa klase ko at maghanap ka ng ibang teacher! Narinig mo?!" tumango tango ako.

Bumalik na si Ma'am sa harapan at nagsimula nang magdiscuss. Yung classmate ko, hindi mapigilang mapatingin sakin. Lalo tuloy uminit ulo ko.

---

"Class Dismiss. Tandaan mo yun, Ms. Lee" talagang hanggang sa umalis si Ma'am, sinesermunan pa ako.

Kahit nga nung nagdidiscuss sya, binabanggit nya yung pangalan ko. Ginawa pa nga akong example sa mga dinidiscuss nya.

Tumayo na ako tsaka nag-ayos ng gamit ng lumapit sakin si Katniss.

"Tara na Katkat" hinarap ko sya.

"Mauna ka na. May dadaanan pa ako" sabi ko sakanya.

Totoo naman e, may dadaanan pa ako. Dadaan pa ako sa Guidance Office. Magkakarecord tuloy ako. Bwisit.

Lalabas na sana ako nang mapansin kong hindi lang pala ako ang nasa room.

"Ano masaya kana?!" bulyaw ko sakanya.

"Bakit? Hindi naman kita inaano kanina ah! Tsaka tinignan lang kita!" sagot nya.

"Talaga? Wala?! Tandaan mo ang araw na to, ha? Tandaan mo!" binalibag ko yung upuan tsaka umalis na para pumunta sa Guidance.

---

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Katniss, tamang nood lang ng News.

"Katkat! May naghahanap sayo!" napatingin ako sa pintuan saka sumigaw.

"Sino daw?!" actually, wala si Katniss sa pintuan. Humarap lang ako para sumigaw.

"Bumaba ka na lang dito! Nanunuod ako e" napa face palm ako bigla. Nakalimutan ko.

Bumaba ako tsaka dumiretso sa pintuan. Di man lang pinapasok.

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sakin dalawang lalaking na kaitim na suit tapos with glasses pa.

"Bakit po?"

"Ikaw ba si Katherine Lee?" tumango ako.

"Sumama po kayo samin?"

"Huh?"

"K-kaming dalawa?" tinuro ko pa si Katniss na ngayon nasa tabi ko na.

"Anong meron mga kuya?"

"Ikaw lang po. Pero kung gusto mo pong isama ang kaibigan mo, pede rin po" napangiti naman si Katniss.

"San nyo ba kami dadalhin?" tanong ko agad nang makita kong magsasalita si Katniss.

"Sa Palasyo po"

"Huh?"

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon