Chapter 1

61 0 0
                                    

Chapter 1

Dedicated to @Pajama_addict. Dedicated po sayo ate :) Gustung-gusto ko po kasi yung kwento mong Dyepni. So hope you like it. Do vote and comment! here's the update ..

"Uy gusto kong bumili ng DreamCatcher." rinig kong sabi ng baduy kong kaklase sa may likuran.

"Gaga! dapat ibinibigay yun hindi binibili sa sarili." napailing ako sa narinig ko. Aksaya lang ng pera yun!

"Kung gusto mo makakuha dapat may magbibigay sayo!" dagdag pa niya.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao. Basta uso binibili agad. Para lang masabing kaya mong makisabay sa uso. Hindi anman nakakagwapo at nakakaganda yun!

"Hi tabs." ayan nanaman siya! -_- Pumasok na pala to! Siguradong magugulo nanaman ang araw ko. Katabi ko lang naman kasi siya. Ang pinakamakulit at ang pinakabasagulero dito sa campus. Pero sa totoo lang nagbago na siya! Pero para sakin ang basagulero ay basagulero pa rin?!

"Tabs!" nanlaki ang mata ko nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Dahilan para uminit ang mukha ko. Uy! hindi ako kinkilig ha?! Nagulat lang ako. NAGULAT!

"O bakit namumula ka?" napopogian ka sakin no?" napapoker face ako sa sinabi niya saka napailing.

"For your information Mr. Sam Corpuz. I'm not blushing. Nagulat lang ako. Bakit ba kasi kailangan mong ilapit yang mukha mo sa mukha ko? Tanga ka ba o talagang wala ka lang magawa? -__ And first of all what is the reason of blushing? i don't even like you." i said. Wala akong pakeelam kung maoffend siya. Totoo naman eh! Siya kaya may gusto sakin. Tinignan ko lang siya ng nakataas ang kilay. Siya naman ngumiti lang at napailing.

"Masyado ka namang defensive tabs." inirapan ko lang siya. Nakakainis kasi. So anong pinapalabas niya? na may gusto ako sa kanya?

"Ang sungit naman ng tabs ko. Kurutin ko taba mo diyan eh." sinamaan ko siya ng tingin. Saka nagsalita.

"Makuha ka sa tingin Mr. Corpuz hindi ako mataba! so don't call me tabs." seryosong pagkakasabi ko. Nagsimula niya akong asarin ng tabs ng makasayaw niya ako nung JS namin. Nahawakan daw kasi niya yung bilibil ko. Baby fats lang kaya yan! And infact sexy kaya ako. Perfect nga diba?

"Oo. naman nakuha mo na ako sa tingin mo pa lang. I mean nakuha muna yung puso ko." Ughhhh .. kung hindi lang makakasama sa image ko as a perfect Valedictorian. Eh .. matagal ko na siguro tong napatay oh! nabugbog pala.

"Nonsense." i said. Nakakainis talaga! natawa lang siya. Dumating na rin yung teacher namin sa physics. At pinapapunta niya ako sa faculty mamayang uwian, dahil may pag-uusapan raw kami.

Uwian ..

Nagpunta ako agad sa faculty. Ano nanaman kayang  hihingin nilang pabor sakin. As a president of student council. Marami akong responsibilities at activities na sinasalihan sa iba't ibang school dahil nga valedictorian ako. So napakabusy talaga ng schedule ko. Yun nga ang gusto ko eh. Para makalimot! napabuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob ng faculty.

"Sir Ignacio. Ano pong pag-uusapan natin?" pinaupo niya naman ako tabi niya pagkasabi ko nun sa kanya.

"May darating na competition sa mga bigating university sa tagisan ng talino. And our school join at ikaw ang napili naming maging representative . Is it okay to you? we're expecting yes from you." sabi ni sir sakin.

"Sige po. Okay lang po," i said.

"Nga pala, hindi ko nasabi sayo na may kasama kang sasali sa competition na ito. Kasali din dito si Sam Corpuz. Siya naman ang magiging representative natin para sa math at ikaw sa physics. Kaya sabay na kayong mag-review na dalawa." - sir.

"Ah O--- WHAT?!? O_O" napanganga ako sa narinig ko! Ang basagulerong yun?! >.<

"Oo. Bakit problema ba?" tanong ni sir.

"Ah. Wala naman po :)" sabi ko na lang saka ngumiti ng pilit.

"Ah.sige kung ganon ibibigay ko na yung magiging reviewer niyo." sabi ni sir. tsaka tumayo sa kinauupuan niya.

Naghintay lang ako sa kinauupuan ko. At ibinigay niya sakin ang dalawang patong ng reviewer ng physics at math. Nakakainis naman kasi! Kailangan ako pa talaga ang magbibigay? Pwede namang siya na lang ang kumuha. Like a boss lang?! Ako kaya ang boss.

So ayun wala akong nagawa kundi kunin yung reviewer nung basagulero at ibigay sa kanya. -.-

"Sir una na po ako." ngumiti lang si sir at tumayo. Mahaba-habang reviewhan nanaman to.

"By the way Miss. Perfect iassign mo na lang sa secretary mo yung mga iba mo pang gagawin at magreview kana lang." pahabol ni sir tsaka ako tumungo  at tuluyan nang lumabas ng faculty.

"Uy tabs!" halos mapatalon ako sa gulat nung sumulpot yung basagulero sa harapan ko.

"Ano to?" pahampas kong inabot sa kanya yung reviewer ng math tsaka siya tinignan ng masama.

"Reviewer." i said.

"Para saan?" tanong niya.

"-_- Para sa competition. O baka naman may iba pang corpuz dito na dapat ko pang pagbigyan." i said. At tinaasan pa siya ng kilay.

"Akin na nga yan. Ano ka ba nag-iisang Corpuz lang ang gwapo dito. At ako lang yun si Sam Corpuz." sabi niya. Tsaka hinablot yung reviewer. Tinignan ko lang uli siya ng masama tsaka umalis at tumalikod na. Wala na akong oras makipa-asaran sa kanya. Asa naman tong tao na to na sasabay akong magreview sa kanya.

DreamCatcher? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon