Chapter 3

40 0 0
                                    

Chapter 3

Dedicated to @Alyloony. Hello po :) Dedicated po sayo ate sana po magustuhan ninyo hehe :D Alam ko rin pong masyado kayong busy para makita itong dedication ko for you. Kaya ito na lang hihi :'> K .. Here's The Update.

HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY

HAPPY BIRTHDAY TO YOU

 Nakalapit na din siya sakin at ngumiti. Pinahipan niya sakin yung candle nung cake saakin tsaka ako nag-wish. Nagtilian naman yung ilang estudyante. Nang mahipan ko na yung candle ng cake pinahawak na lang muna niya sa iba.

"Tabs for you." basagulerong to! At nag-mic pa siya! Ipangalandakan ba naman daw na mataba ako! Pe/ro ikinagulat ko yung pagsuot niya sakin ng kung pang albularyo sa may leeg ko. Eto ata yung tinatawag na DreamCatcher? -____-

"Dreamcatcher yan. Ingatan mo ah." sabi niya tsaka ngumiti.

"Thanks." i said. Paalis na sana ako nang hinawakan niya yung wrist ko at lumuhod.

"Kyaaaaaaa!!! Ako na lang!!!!" tilian ng mga kaklase kong babae. Edi kayo na!

"Perfect Dimaculangan, pwede ba kitang ligawan?" ngiting ngiti niyang tanong. Napailing ako sa tanong niya at tsaka sumagot ng

"Hindi pwede." nanahimik yung buong quadrangle na yung tipong kanina puro tilian pero nagyon moment if silence na lang.

"B-bakit? tanong niya at nakamic pa rin. Ayaw ko mang maoffend siya for the second time, kagaya na lang nung nangyari nung JS. Pero hindi talaga pwede. I hate being committed.

"Basta hindi." i said tsaka naglakad papalayo. Parang nadismaya nga ang lahat eh. Bakit akala niyo yes agad? Porket nag-effort oo na agad? Tsaka ayoko munang macommitted. Well it's me Perfect wala lang sakin yun. Pero salamat sa effort at naalala kong birthday ko pala ngayon.

"Wait." rinig kong pahabol niya at nakamic pa rin siya.

"Kung hindi kita pwedeng ligawan. Pwede mo ba kung payagang maging kaibigan ka? Para mas makilala ka pa." nilingon ko naman siya. Nakangiti nanaman siya nang napakalapad. Talagang may Plan B ah? ^___^  Nagkabuhay na rin yung ibang estudyante at hinihintay ang magiging sagot ko kay Sam.

 "I'll think of it." i said. Tsaka ngumiti. Nagulat siya sa pag-ngiti ko. Pero ako ang nagulat sa pag-iyak ko tears of joy siguro. Pero nakatalikod na ako nun at umalis na. Thanks sa lahat Nagpasalamat naman ako sa kanilang lahat bago tuluyang umalis.

 Nagtilian nanaman sila pero nauna na ko't umalis. Sana naman pag-uwi ko maalala din ni dad na birthday ko.

 Pag-uwi ko, agad akong dumiretso sa sala. Expected ko kasi na nandun si dad, na kahit batiin man lang niya ako ngayung birthday ko masaya na ako. Pero napansin kong madilim sa sala pagpunta ko dun, at for sure wala dun si dad.

"Yaya asan si daddy?" tanong ko dun sa maid namin sa bahay.

 "Ah eh Ma'am Perfect. Wala pa po eh hindi pa po siya dumarating." *sigh* baka nag-cvertime nanaman si daddy. Pati ba naman birthday ko kakalimutan niya para sa trabaho niya. Naiintindihan ko naman na busy siya sa trabaho niya, pero yung espesyal day ko hindi niya naalala kahit man lang pagbati galing sa kanya wala akong natanggap. Nakakasama lang ng loob. Ang bigat lang sa pakiramdam na hindi naalala ng kaisa-isahang tao na mahalaga sayo ang kaarawan mo.

 Naligo na ako agad pagkaakyat ko sa kwarto ko. Nang matapos akong maligo at magbihis, nagtungo na ako agad sa kama ko. I need to rest yun na lang siguro ang magiging gift ko sa sarili ko, ang magpahinga. Bukas na lang siguro ako mag-rereview para dun sa competition.

 Habang nagmumuni-muni ako diko maiwasang maiyak, lalo na kapag naalala ko si dad at si mom nung mga panahong magkakasama pa kami. Kungdi lang dahil sa trahedyang yun. Sa trahedyang yun na lagi kong napapanaginipan edi sana masaya pa rin kami hanggang ngayon, sana kasama pa rin namin si mom at hindi sana ako nagkakaganito pati na rin si dad. Sana hindi na lang nawala saamin si mom, sana hindi na lang nangyari yung aksidenteng yun! Bakit ba kasi kailangang mangyaring kunin si mom saamin?

Sa kakaiyak at kakaisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Anak ... anak." napamulat ang mga mata ko sa nakita ko. Napaupo ako sa kinahihigaan ko.

"Mom?" nakaupo din siya sa kama ko at nakangiti saakin.

"Paanong nangyari to mom?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya uli saakin at pinunasan ang may luha kong pisngi.

"Huwag ka nang malungkot. Tumigil kana sa pag-iyak. Mas isipin mo na lang at pahalagahan ang mga taong nandiyan para sayo." nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba to nakakausap ko ba uli si mom?

"Pero paano ka mom?" tanong ko sa kanya nang nag-aalala pa.

"Huwag mo na akong intindihin Perfect anak. Ang intindihin mo na lang ang sarili mo at maging masaya kana lang." sabi niya sakin tsaka ako niyakap. Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang siyang nawala. At nagising na ako.

Teka panaginip lang yun? Napatingin ako sa orasan 8:00 na pala, late na ako. Di bale na papasok na lang ako sa afternoon class ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero parang na curious ako kung anung nasa ilalim nang unan ko. Kaya tinanggal ko yung unan ko para makita yung nasa ilalim nun.

"D-dream Catcher??" O_O nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Paano napunta yan dito???? sa pagkakaalala ko naiwan ko yan sa may cr kagabi. Paanong nangyaring napunta yan sa unan ko? Yun kaya ang dahilan kung bakit maganda ang napanaginipan ko? Tama nga sila! It catches the bad dream.

Author's Note: By the way Thank you for the cover of Dream Catcher? [Short Story] @AllayxzanFR Wait mo na lang po yung payment ko para sayo :)

DreamCatcher? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon