°Based on Japan's One of the Highest Grossing Anime Film by Makoto Shinkai 'Kimi No Nawa'.---------------------------------
P R O L O G U E
Kung minsan, tuwing nagigising ako ng maagang-maaga. Nagugulat nalang ako kasi umiiyak ako.
Hindi ko na naman matandaan kung ano 'yong napanaginipan ko noong gabi.
Pero...
Pero nandoon 'yong pakiramdam na parang may bagay na nawala sa akin...at nananatili iyon kahit matagal na akong gising.
Lagi nalang akong naghahanap ng kung anong bagay o kung sinong tao. Parang alam ko kung kailan nagsimula ang kakaibang pakiramdam na ito.
Isang araw lang ang naiisip ko. Noong gabing nagkaroon ng meteor shower, para bang eksina lang sa panaginip.
Isang napakagandang tanawin....
P A R T O N E
Nananaginip lang ba ako? Kung oo, huwag nalang sana akong magising.
Napakaganda ng tanawin ngayon sa kalangitan. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko.
"Ang ganda naman nito! " nasabi ko nalang habang nakatingala sa langit. Ewan ko ba, naiiyak ako sa sobrang tuwa na nararamdaman ko ngayon.
"Ang ganda nga. Sobrang ganda... " rinig kong sabi ng isang boses lalaki sa likuran ko. Agad ko itong nilingon. Doon ko lang napagtantong hindi pala ako nag iisa sa lugar niyon.
May kasama pala ako.
Nakatingala siya at kita sa mga mata at labi niya ang tuwa habang pinapanuod ang meteor shower.
Matangkad siya na lalaki, at sakto lang ang pangangatawan, matangos ang ilong, chinito.
In short guwapo!
Nakikita kong humahakbang siya papalapit sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib. Ayan na naman ang pakiramdam na ito..Nakangiti siya habang humahakbang palapit sa akin. Pakiramdam ko tila ba huminto sa pagtakbo ang oras at tumigil sa pag ikot ang mundo nang mga oras na iyon.
Ganoon lagi ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya.
Sa kaniya ko lang nararamdaman ang ganoong klaseng pakiramdam.
"I-ikaw pala... "
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo? " takang tanong nito sa akin nang tuloyan na nga siyang makalapit sa akin.
Ang totoo niyan, akala ko talaga hindi siya darating.
Akala ko mag isa ko lang masasaksihan ang magandang tanawin ngayon.
Hindi na ako nagsalita.
Agad ko nalang siyang niyakap ng napakahigpit."Salamat at dumating ka."
Ilang saglit lang ay bumitaw na ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya at niyaya siyang umupo sa damohan.
Habang nakaupo kami ay hawak ko ang kanan niyang kamay.
BINABASA MO ANG
Pangalan Mo
Teen FictionTitle: Pangalan Mo Genre: Teen Fiction | Fantasy Author: Prince Elmer (HeartthrobWritter) [One-shot Story ] °Based on Japan's One of the Highest Grossing Anime Film by Makoto Shinkai 'Kimi No Nawa'. --------------------------------- Kung minsan, tuw...