Paguwi ng paguwi ng binata, iniisip pa din niya ang muka ng dalaga at siguradong sigurado siya na wala pa ring' kupas ang nararamdaman niya dito
Hindi niya sukat akalain na kahit minsan hindi nawala o nabawasan ang nararamdaman niya dito
Kaya't nagtiyaga siya ulit suyuin ang dalaga, kahit alam niyang walang kasiguraduhan kung mapapaamo niya ang puso ng dalaga
Kinabukasan nagkita muli sila, mapaglaro talaga ang tadhana...
"Maria, andito ka pala"
"Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ko???!"
"Huh hindi ah, maggogrocery talaga ako"
"Alam mo, alam ko naman na patay na patay ka talaga sakin bata palang tayo ilang beses ko ba dapat ipamuka sayo na wala akong pake sa nararamdaman mo sa akin? Kelan mo ba ako titigilan"
"Maniwala ka hindi kita sinusundan, nagkataon lang talaga"Biglang umalis ang dalaga sa mga oras na iyon