Sa dulo, naging sila at masayang masaya ang binata
Tinuring niyang parang reyna ang dalaga, lahat ng pagmamahal pinaramdam niya dito, walang labis walang kulang
Pero nagkaproblema din ang kanilang relasyon, at hindi nila inaasahan na ito ang makakapaghiwalay sakanila
Inilayo ng ama ang dalaga sa binata,
Dahil hindi matanggap ng ama ng dalaga na pumatol siya sa isang binata na dukhaPero nagmatigas ang dalaga, dahil mahal na mahal niya ang kanyang kasintahan, pero nagmatigas din ang kanyang ama
Sabi ng kanyang ama, kapag hindi niya hiniwalayan ang binata mapipilitan siyang itakwil ang dalaga at saktan ang binata
Walang nagawa ang dalaga iyak lamang siya ng iyak habang sinasabi ito ng kanyang amain at napapaisip siya na isuko na lamang ang kanilang relasyon
Imbes na mapahamak ang binata dahil sa kanya, labis nasaktan ang binata dahil dito sapagkat ang pagaakala niya sumunod lamang ng ganon lang kadali ang dalaga sa kanyang ama
At hindi ganon katibay ang pagmamahal ng dalaga sakanya