Ilang taon dinala ng dalaga ang bigat na nararamdaman niya noong nagpasya siyang isuko ang pagmamahalan nila ng binata
Halos ikamatay niya ang lungkot na naramdaman niya magmula ng mawala ang binata sa buhay niya
At ang binata nakatatak pa din sa kanyang isipan na, hindi talaga siya minahal ng dalaga at kasinungalingan lamang ang pinaramdam sakanya
Ngunit mali siya, dahil kung gaano kamahal ng binata ang dalaga mas matindi ang pagmamahal ng dalaga sa binata dahil kahit ilang taon na ang lumipas
Hindi pa din natutunan maging masaya ng dalaga buhat ng pagkawala ng binata
Araw araw siyang nagdadasal na sana, nasa mabuting kalagayan ang binata at makatagpo ang binata ng magmamahal sakanya kahit gusto ng dalaga na siya ang magparamdam non sa binata
Nagsisisi ang dalaga sa mga araw na tinataboy niya ang binata, kung alam niya lang na mamahalin din niya ito sana pala hindi nalang daw niya tinakwil at nilubos lubos ang mga panahon na magkasama silang masaya
Pero huli na ang lahat...