Lumipas ang mga araw, buwan, taon pinilit ng binata makalimutan ang dalaga, kahit alam niyang mahihirapan siyang kalimutan ito
Pero hindi talaga mawala wala sa isip at puso ng binata ang dalaga kaya't naglakas loob na siyang hanapin ito saang sulok ng lugar
At nagtagumpay naman siya, sinasabe niya sa dalaga ang totoong nararamdaman niya noon pa lamang
"Mahal na mahal kita, kahit anong pilit kong iwasan o kalimutan ka hindi ko magawa, hindi ko naman ginusto na mahalin ka pero ito yung nararamdaman ko sa tingin mo ba gusto kong binabalewala at tinataboy mo ko? Sa tingin mo ba gusto kong sinasaktan mo ko? Hindi!! Pero nandito pa din ako kase umaasa pa din ako na mamahalin mo ako kahit alam kong mas malabo pa sa malamig na tubig, nagpapakatanga ako sayo noon palang pero sarado yung puso mo sakin"Walang naisambit ang dalaga parang natuliro ito sa mga narinig niya, wala siyang naisagot at umalis siya papalayo sa binata