Temporary Boyfriend

0 0 0
                                    

𝕿𝖊𝖒𝖕𝖔𝖗𝖆𝖗𝖞 𝕭𝖔𝖞𝖋𝖗𝖎𝖊𝖓𝖉

______

"Komiks?" Nakangiting sinalubong niya ako. Napangiti na rin ako dahil nakakahawa talaga ang napaka gandang ngiti niya.

"Irah? Ang ganda ng ngiti natin ah, anong meron?" Tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at nakangiti pa rin na yumuko sa table. Nandito kami sa may garden ng department namin, Parehas ang course naming dalawa.

Si Irah, kababata ko siya, maganda, matalino at mabait pa. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanya at isa na ako doon, di naman masamang mahal siya hindi ba, kahit alam kong malabong maging kami.

"Komiks? Naalala mo si Henry? Ung nanliligaw sakin." Sa sinabi pa lang niya alam ko nang saan patungo ang usapan namin. Ngumiti ako ng mapait.

"Kayo na?" Tanong ko habang naka focus sa binabasa ko. Di ko magawang tumingin sa kanya baka di ko mapigilan luha ko.

"Oo komiks, kami na hehe sinagot ko na siya." Sabi niya hangang malapad na nakangiti sakin.

"Congrats, Stay Strong." Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Komiks, anyare sayo bakit parang di ka masaya para sakin." Sabi niya habang nakatitig sakin. Sa paraan ng pagtitig niya para akong natutunaw. Umiwas ako ng tingin at ngumiti na lamang sa kanya.

"Masaya ako para sa inyo." Sabi ko habang naka focus sa binabasa ko.
Kahit may pait akong nadarama, ayos lang as long masaya siya.

Kaibigan lang ang turing niya sakin kaya, hanggang support lang ang magagawa ko kahit masakit.

_________________

Lumipas ang ilang buwan, sila pa din ni Henry, bawat araw na nakikita ko silang naglalambingan parang sinasaksak ang puso ko.

Masaya na masakit para sakin, Masaya na nakikita kong masaya siya, at masakit kasi hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niya.

But those smile on her face fade nung umalis si Henry para mag-aral sa ibang bansa.

Seeing her cry, makes me weak too.

"Ang hirap pala ng ganito, ung wala siya sa tabi ko. Pero pangarap niya un kaya sino ba ako para pigilan siya, Girlfriend niya lang ako." Sabi niya

Ako ito tahimik lang na nakikinig, nasasaktan para sa kanya.

"Komiks, ano ang dapat kong gawin? Nangako siyang babalik siya, pero namimiss ko na siya." Nakayakap siya sakin, basa na ang polong suot ko sa kakaiyak niya, pero ayos lang. Kahit ganito man lang ramdam niyang nandito ako para damayan siya.

Then suddenly some idea come up on my mind. Alam kong I will take a risk about this idea, pero bahala na si Batman.

"Irah? If you want, I can be your Temporary Boyfriend, tapos pag bumalik na siya. Then doon na matatapos ung pagiging temporary boyfriend ko, ako muna ang pupuwang sa obligasyon niya bilang boyfriend mo." I said alam kong sa dulo ako rin ang masasaktan pero para sa kanya kakayanin ko. Mahal ko eh.

Di ko man masabi na mahal ko siya, kahit sa paraan na lang na un, maparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Nung una di siya pumayag, pero mga ilang araw lang. Nagkita kami sa tambayan namin.

"Irah? Sorry late, may tinapos pa ako sa library hehe, sorry." Sabi ko, ngumiti lang siya at niyakap ako.

"Komiks, about doon sa sinabi mo nung nakaraan, pumapayag na ako." Nakangiti niyang sabi.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya, di ko mapigilan ang saya ko kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Kahit alam kong panandalian lang, masaya pa din ako, dahil sa wakas nagkaroon ako ng pagkakataong iparamdam sa kanya kung gano ko siya kamahal.

____________________________

It's been 6 months, I'm still her Temporary boyfriend, sa mga buwan na nagdaan ginawa ko ung best ko para maging perfect boyfriend para sa kanya.

Bawat araw, lagi siyang may rosas at letter mula sakin, halos lahat ng effort binuhos ko sa kanya. Kahit hectict ang schedules ko, sinisigurado ko pa din na may time ako sa kanya.

Masaya ang nagdaan naming buwan, nakalimutan ko ding Temporary lang ako. Inakala kong darating sa puntong magpapatuloy ang ganun naming set up hanggang dulo, pero di ko inaasahang darating sa point na kailangan ko na siyang pakawalanan.

"Komiks?" Nakangiti siya habang naglalakad palapit sakin. Alam ko sa puntong to, hindi ko na siya matatawag na akin. Mapait akong ngumiti

"Irah." Salubong ko sa kanya. Niyakap niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay. I try to control my tear but I failed

"Komiks? Salamat, salamat sa mga efforts at pagmamahal na ibinuhos mo sakin, sa anim na buwan na un, alam kong di ka nagkulang, pero komiks alam kong pag nagpatuloy to, masasaktan lang kita."

Pinunasan niya ang luha ko, at umiiyak na din siya. Yumakap na lamang ako sa kanya.

"Komiks, bumalik na siya, bumalik na ang totoong mahal ko, bumalik na si Henry, Komiks. Sorry kung di ko masuklian ung pagmamahal mo. Kasi hanggang ngayon nakakulong pa din sa puso ko si Henry. Sorry Komiks, alam kong makakahanap ka ng babaeng magmamahal ng higit sa pagmamahal na binigay mo sakin. Patawad pero hanggang dito na lang ang kabanata natin." Umiiyak siya habang sinasabi lahat ng un.

Matagal na akong handa na darating ang point na to, oo masakit pero kailangan kong magpalaya, kahit masakit titiisin ko para sa kaligayahan niya, ganun ko siya kamahal.

Pinunasan ko ang luha niya. I held your face and kissed her on her forehead.

"Ayos lang Irah, matagal na akong handa na darating to." Sabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Tama ka Irah, dito na nagtatapos ang ating kabanata, masaya ako kahit papaano, naparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal, kahit panandalian lang, but please promise me one thing. Be happy okey" I said at kumawala sa pagkakayakap sa kanya.

"I promise, I will be happy." She said, I smile.

This is my farewell to her, dahil aalis na din ako ng bansa. I will pursue my dreams. I hug her once more.

"I, Komiks Luóttamus, signing off as your Temporary Boyfriend, be happy now Irah." I kissed her forehead before leaving our favorite place.

___________________

"𝕭𝖊𝖎𝖓𝖌 𝖙𝖊𝖒𝖕𝖔𝖗𝖆𝖗𝖞 𝖉𝖔𝖊𝖘𝖓'𝖙 𝖒𝖆𝖐𝖊 𝖘𝖔𝖒𝖊𝖙𝖍𝖎𝖓𝖌 𝖒𝖆𝖙𝖙𝖊𝖗 𝖆𝖓𝖞 𝖑𝖊𝖘𝖘, 𝖇𝖊𝖈𝖆𝖚𝖘𝖊 𝖙𝖍𝖊 𝖕𝖔𝖎𝖓𝖙 𝖎𝖘𝖓'𝖙 𝖋𝖔𝖗 𝖍𝖔𝖜 𝖑𝖔𝖓𝖌, 𝖙𝖍𝖊 𝖕𝖔𝖎𝖓𝖙 𝖎𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖎𝖙 𝖍𝖆𝖕𝖕𝖊𝖓𝖊𝖉."

For now on I'll be focus on my dreams.

End.
__________________
𝕱𝖆𝖉𝖊 𝕽𝖆𝖎𝖓𝖇𝖔𝖜🖋️

Fade Rainbow's StoriesWhere stories live. Discover now