CHAPTER 2

137 5 9
                                        

Zelda's POV

"Sa tingin mo may paki-alam ako?!"

Napatingin ang lahat sa gawi ng isang lalaking napataas ang boses. Lahat ng atensyon ay nabaling sa kanya. Muka atang may kausap siya sa cellphone.

Agad naman niyang ibinulsa ang kanyang hawak na cellphone nang mapansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat.

"Mr. Sanchez! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bawal gumamit ng phone habang nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo? Ha?" sermon ni Ms. Viza habang nakataas pa ang kilay.

Si Ms. Viza ang pinaka istriktong guro sa school na 'to. Mga nasa mid 30's na siya. Likas na sa kanya ang pagiging mataray sa kahit kanino at ni-hindi ko pa sya nakitang ngumiti. Sa tuwing may estudyanteng kumakalaban sa kanya, tinta lang ng ballpen ang pantapat niya. Kumbaga, binabagsak niya ang grado ng estudyante hanggang sa madrop-out ito ng tuluyan. Ang sabi sakin ng ilan kong mga kaklase, kada buwan ay mga nasa apat na estudyante ang nadadrop-out niya. Para sa kanya, kahit ano pang yaman mo ay wala siya paki-alam.

Napalunok naman si Sanchez sa mga sinabi ni maam. Halatang kinakabahan  siya at tila walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya dahil mukang alam na niya ang magiging resulta kapag nanlaban siya rito.

"Okay, Mr. Sanchez. I'll give you a chance, but it will be your last chance." napansin kong napatingin si maam sa direksyon ng kinauupuan ni Queeny pero agad niya din iniwas ang tingin at nagligpit ng gamit para lumisan sa loob ng silid.

"That's all for today. Class dismissed!"

**********

Bago ang lahat, ako nga pala si Zelda Chavez. Fourth year student ng Del Valle Middle High. Transferee ako sa school na 'to last week lang kaya hindi ko gaanong kabisado yung pangalan ng iba kong kaklase. Sa loob ng one week, ang dami kong nalaman tungkol sa paaralan. May mga kababalaghan daw na nagaganap dito gaya ng pagkamatay ng isang estudyanteng babae last year. Sa tingin ko, isa lamang 'yong guniguni.

Kumakain na ang karamihan samantalang ako, nakaupo at tahimik lang habang nag-iisip ng kung anu-anong bagay na sumasagi sa isip ko.

"Tss! Bwisit..." napatingin ako sa kabilang side, si Sanchez pala. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa kanyang cellphone. Ano bang klaseng lalaki 'to? Lagi nalang galit.

"Psst!" pagtatawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

"Psst! Uy!" pag-uulit ko at mukang narinig na niya. Napatingin siya sa gawi ko habang magkadikit ang kilay. Halatang naiinis. "Sanchez, right?" tanong ko.

"Stop calling me Sanchez. I'm Ivan." mahinahon niyang sagot. "Why?"

"May gusto lang sana akong itanong... Bakit kanina ka pa mukhang bad----" hindi ko na napagpatuloy yung tanong ko.

"Wala kang paki. Tss!" muli niyang ibinaling ang tingin sa kanyang cellphone at sinalpakan ang tenga ng earphone.

Dahil dun napatiklop ako sa sinabi niya. Bwisit!

**********

Queeny's POV

Fck! Anong karapatan ng guro na 'yon na tingnan ako kanina habang sinesermunan si Ivan kanina. Gusto ko sanang tarayan yun pero alam ko ang magiging resulta kapag ginawa ko 'yon. Ni-isa walang kumakalaban sa kanya pero dipende nalang kung matapang ka. Wala naman din magagawa ang yaman ko kapag kinalaban ko siya dahil hindi siya madaling mapatumba sa pwesto niya. Ang balita ko almost 10 years na siya sa school na 'to kaya hindi siya basta-basta mapapatalsik. Bitch! Humanda siya sakin kapag napuno ako. Hindi niya pa lubos na kilala ang isang Queeny Elaiza Vonditch.

"Alis! Dadaan ang reyna!" mala-awtoridad kong sigaw sa mga hampas-lupang estudyante sa loob ng Cafeteria. Mabilis kong nakuha ang atensyon ng lahat at agad sila nagbigay ng malaking daan sa gitna. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na kambal na sina Resha, at Shasha. Kilala kami sa school na 'to sapagkat kami ay anak ng mga mayayaman.

Naglakad kami patungo sa madalas namin inuupuan. Syempre, dun sa unahan. "Help me guys, i have a plan. I mean an evil plan." seryoso kong banggit sa kanila nang maka-upo na kami.

"For what?" nakangising tanong ni Resha.

"For evil." tipid kong sagot. "You mean... for Ms. Viza?" seryosong tanong ni Shasha.

"Exactly!" nagkatinginan kaming tatlo at sabay na ngumiti.

Maghanda kana Ms. Viza dahil siguradong hindi mo magugustuhan ang ipapatikim ko sa 'yong impyerno.

*********

A/N: Haaaiiii! Sabaw ba? Surri na. XD Anw, Long time no see guys! Nakakamiss. Sorry nga pala sa sobrang tagal na update. Sana patuloy niyo padin 'tong basahin. :)

Voice out your opinion! And still voting. XD

ENJOY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Deadly ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon