CHAPTER 2

38 9 0
                                    

[ chapter 2 ]

Zandra's P.O.V

"Zandra gising na " tinig na narinig ko mula sa labas at sa tingin ko si Yaya  Sally iyon, Hindi masyadong clear ang voice niya dahil sa inaantok pa ko.  Kumakatok ito , at tila naghihintay na pag buksan ko. " yaya ikaw ba yan? , 5 minutes pa po inaantok pa po ako e" wika ko.

"ahh sige po ma'am Zandra " wika nito at tila umalis na sa harapan ng kwarto ko.

Muli akong naidlip, ngunit nagising ako nang may bumuhos saakin ng tubig.  "Ano ba naman natutulog ako e , napakawalang respeto niyo naman " Sigaw ko habang unti-unting  minumulat ang aking mga  mata.

Pagmulat ko nakita ko si ate na nakatingin at nakangisi sa harapan ko, habang hawak ang timba na pinaglagyan ng tubig na ibinuhos sa akin. "Ate naman, ano bang trip mo." Sigaw ko sakanya, pero parang wala narinig, non sense din pala yung sigaw ko, sayang lang boses ko.

"Susumbong kita kay mom ," pagbabanta ko sa kanya, imbis na matakot mas lalo lang itong tumawa na parang nangaasar pa, kainis namang buhay na ito.

" Anong tinatawa tawa mo diyan?
Don ka na nga panira ka sa natutulog eh, noh. " ani ko sabay irap . Pano ba naman kakaunis , ang aga ko tuloy naligo .

" Bumaba ka na don may naghahanap sayo. Bilisan mo. " sabi niya sabay talikod pero pinigilan ko siya , may mga itatanong pa ako.

"Sino namang naghahanap sakin?, wala naman akong alam na bisitang darating. tugon ko naman.

" Basta bumaba ka na lang saka mo malalaman kung sinong naghahanap sayo. Panigurado ikakatuwa mo yun. Bilisan mo masamang pinaghihintay ang bisita. " ani niya muli .

Sino naman kaya yun . Wala naman akong bisita na darating. Hysss... bahala na nga . Tumayo na  ako at pumunta sa cr para maligo. Nakita ko ang bath tub na nasa gilid, naisipan kong doon maligo , kinuha ko ito at nilagyan ng tubig , nilagyan ko din ito ng bubble soap, mas masarap maligo don habang ang mga bubbles ay nagliliparan. Sarap magbabad.

Habang naliligo ko naalala ko yung sinabi ni Ate na matutuwa ako kapag nakita ko yung bisita . Nagisip ako kung sino iyon . May biglang pumasok sa isip ko na isang taong matagal ko nang hinihintay ,  siya na kaya yun , matupad na kaya ang matagal ko ng wish , ang muli siyang makita . Mabilis akong umahon sa bath tub. Tinapos ko ang paliligo ng mabilisan dahil hindi na ko makapaghintay na makita siya . Kahit di ako sigurado kung sya yun , pussh ko na toh , sanay naman akong ma hopia.

Pagkatapos kong maligo nag-ayos ako ng kaunti at saka bumaba . Excited na ko sana naman siya na talaga yun , pero malakas ang pakiramdam ko na siya na nga iyon kaya di na ko nagsayang pa ng oras agad akong bumaba. Nasa hagdan palang ako nakita ko na ang isang lalaki na nakaupo sa sofa habang kausap si mom.

My gosh siya na kaya yun ? Agad akong bumaba ng hagdan , hindi ko muna tiningnan ang lalaki . Binaling ko kay mommy  ang atensyon ko , nagbeso ako sakanya.

Hindi pa ko ready na makita siya. Although matagal ko na siyang hinihintay , pero iba pala yung pakiramdam kapag nasa harapan mo na siya.

" Nak ! are you okay ? " tanong niya , nahalata niyang nakatingin ako sa malayo at  nakatulala . " Yes,  I'm okay mom ,  inaantok lang po " ani ko  sabay sandal sa sofa habang nakapikit . Ayoko pang makita siya. Kinakabahan ako.

"Ahhh ganon ba , pasensya ka na nak pinagising kita sa ate mo , sorry rin pala."  Ani niya. Nagulohan ako sa sinabi niya bat siya nagsosorry.

Someone You Loved (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon