HMM: 1

893 39 0
                                    

YUNA's POV

"Doktora Saleste, may appointment po kayo kay Mr. Hellias, he said he needs your help." my secretary said.

Nakaramdam ako ng kuryusidad kung anong sakit ng kambal niya. Matagal na kasi niya iyon na nababanggit sa akin sa tuwing nagku-krus ang landas namin sa negosyo.

"What time?" tanong ko at sumulyap sa relo.

"At exactly 7:00 PM po."

Napatango nalang ako bago naglakad papalapit sa kotse ko. Maaga natapos ang shift ko sa hospital. Oh by the way I'm Yuna Rean Saleste, 20 years old at isang simpleng doktor lang, kumbaga parang pangpatay ko lang ng oras ang trabaho kong ito. Isa talaga akong CEO sa company na itinayo ni dad bago siya umalis para sundan si mom.

Napabuntong hininga ako bago pumasok sa kotse. Nagsimula na akong magdrive pauwi sa condo na inuupahan ko. Hindi pa kasi tapos ang renovation sa bahay kaya hindi pa ako pwedeng tumira doon.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagda-drive nang biglang may sumulpot sa kung saan na motor, mabilis kong naapakan ang preno pero hindi pa rin ito naging sapat para hindi ko maiwasan ang motor na iyon, pero mahina lang ang naging impact nito kaya mukhang hindi naman ako magkakaproblema.

"Buwisit," asik ko bago binuksan ang pinto at bumaba.

Doon ko nakita ang lalaking nakasakay sa motor at agad ko itong nilapitan, namimilipit ito sa sakit dahil sa tingin ko ay naipit ang kanyang kabilang binti sa  kanyang minamanehong motor. Buong lakas kong inangat ang motor na iyon at tsaka ito malakas na ibinalya pagilid.

"Fuck!" narinig kong mura niya kaya napailing nalang ako.

Pinagmasdan ko ang kabuohan niya, naka-leather jacket siya na kulay itim at sa loob ay abong t-shirt, pati ang suot niyang pants ay itim din at may maliit na itim na hikaw sa kabilang kaliwang tenga. I really can say he's deliquent.

Tinulungan ko siyang makatayo, ang bigat at bahagya pa akong muntik na matumba. Nagpumiglas pa ito sa pagaalalay ko kaya sinipa ko ang paa niyang naipit dahilan para mapamura na naman siya sa sakit.

Aarte pa kasi.

"Bitawan mo ako, fucking damn it." mariin niyang pagkakasabi.

"Nah, kailangan mong magamot, malaki ang sugat mo baka maimfection 'yan kung hindi pa gagamutin agad." simpleng sabi ko.

Napahinga siya nang malalim bago bumaling ang tingin sa'kin.

"Why do you effin care?" bakas ang iritasyon sa mukha niya.

Hindi ko agad siya nasagot at pinagmasdan ang kanyang mukha. Makapal na kilay at mapipilantik na pilikmata, kulay abong mga mata at matangos na ilong, may mapupulang labi at napansin ko din na may maliit na hiwang sugat ang gilid ng labi niya.

Ang kanyang buhok ay bagsak at magulo ito pero bumagay naman sa kanya. Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya at nakitang masama ang ibinibigay nitong tingin sa akin.

"Don't look at me!" he gritted his teeth

Napakurap ako at inirapan siya.

"Let's go." nasabi ko nalang at nagsimulang maglakad papunta sa kotse.

"I swear you will pay for this woman." mariin niyang aniya at nagpatianod sa hila ko.

"Yeah, yeah, magkano ba?" bagot kong tanong. Hindi ito sumagot kaya muli na naman akong napairap sa hangin.

Nang maipasok ko siya sa passenger seat ay dumiretso na ako sa driver seat at nag u-turn pabalik sa Hospital.

Nang makarating sa hospital ay agad ko siyang dinala sa opisina ko dito dahil kumpleto naman doon ang med kit ko. Hindi na niya kailangan i-confine dahil sugat lang naman ang meron siya at bali. Agad ko siyang inuupo sa sofa na nandito at pumunta sa likod ng swivel chair ko upang suotin ang puting coat ko at isinuot ito.

Heal me, Mylove (Hellias Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon