HMM: 3

390 26 3
                                    

THIRD PERSON's POV

Matapos humandusay ng walang malay na si Yuna ay humalakhak na parang demonyo ang katauhan ni Shoun na si Zeil. 

“Napaka-talino ko talaga, ngayon ay kailangan na kitang iligpit. Isa ka sa pinaka sagabal sa paglabas ko.” mariin na pagkakasambit ni Zeil habang nakatitig sa walang malay na si Yuna. 

Agad niya itong binuhat at dinala sa kotse nito. Nag-i-isip siya sa kung ano ang dapat niyang gawin para idispatsa ang babae ng walang iniiwan na bakas niya. Dahil wala siyang ma-isip ay agad niyang inihinto ang kotse sa madilim na iskinita. 

May mahabang panahon pa naman siyang pag-isipan ang gagawin niya sa babaeng ito, sa ngayon ay hahayaan niya muna ang magiging agos ng sitwasyon.

Inilabas niya ito at balak na sanang iwan nang sa hindi inaasahan ay naramdaman niya ang malakas pagpalo sa likod ng kanyang ulo. Nabitawan niya si Yuna at agad na napaluhod. 

“Fuck...”mahina niyang asik bago nawalan ng ulirat.

“Kung sine-swerte nga naman tayo Kein hahaha! May dala pang chicks ang gung-gong na ‘to.” nakangising pahayag ng lalaking may tattoo sa mukha habang may hinihithit na sigarilyo. 

“Dalhin niyo sa Hideout at itali.”

YUNA's POV

Wag mong hahawakan si Rean! Fuck! I said don't fucking touch her or else i'll fucking kill you right here right now.

Papatayin kita! Lahat ng humahawak ng pagmamay-ari ko ay pinapatay ko!

PAPATAYIN KITA!

“Hmp—!” hindi ko natuloy ang pag sigaw nang mapagtanto ko na nakabusal ang bibig ko.

Naaalala ko na naman ang bangungot ng nakaraan na pinipilit kong takasan. Akala ko wala na, akala ko hindi na ako gagambalain pa pero ito na naman, bumabalik na naman siya.

Itinuon ko ang aking atensyon sa kinalalagyan ko ngayon, pinilit kong mag-pumiglas ngunit ako’y nakatali sa upuan nang mahigpit, ramdam ko ang hapdi ng tali sa balat ko at nasisiguro akong mag-iiwan ito ng marka.

Pinili kong huwag mataranta sa sitwasyong ito at pinilit kong kumalma. 

Inilibot ko ang paningin sa paligid at nasa lumang bahay ako, madilim at isa lang ang ilaw na nakatapat sa’kin. Saan ako dinala ni Zeil? Fuck ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paanan ko at nanlaki ang mata nang makita ang katawan ni Shoun na nakahandusay sa sahig at walang malay. 

'Anong nangyare? Diba si Zeil ang kumukuntrol bakit wala siyang malay?'  pagtatanong ko sa sarili.

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito at pumasok ang tatlong kalalakihan. 

“Oh gising na pala ang girlfriend ng kumag.” naghalakhakan sila.

Lumapit sa’kin ang isa sa likod ko at dahan-dahang hinawakan ang panga ko. Gusto kong magpumiglas at iwakli ang marumi niyang kamay ngunit hindi ko magawa dahil nakatali nga ako.

“Gisingin mo ‘yan.” Utos ng lalaking hawak ang panga niya isa. 

Sinipa nila ang likod ni Shoun kaya agad ‘to nagising at hinawakan sa magkabilang balikat at inangat paharap sa’kin. Pilit na winawakli ko ang takot na namumuo sa aking dibdib kanina pa, hinihintay kong dumilat si Shoun at alamin kung sino na naman ang katauhang lalabas. 

Nang magmulat ng mata si Shoun at ganun nalang ang gulat at pagtataka ang naramdamdaman ko ng wala sa apat na kulay na madalas niyang nakikita ang bumungad sakanya. 

Heal me, Mylove (Hellias Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon