Prologue

501 36 3
                                    

Sa mundo na puno ng salamangka ay may tatlong natatanging prinsesa na bihirang magpakita sa iba.

Sa ilang taon nila sa mundo ng mga mahika ay kaunti pa lamang ang nakakakita sakanila.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, ay naatasan silang bumaba sa Rezantheia Academia upang subukin ang kakayahan ng mga estudyanteng ilan taong nag-ensayo para sila'y paslangin.

Bakit nga ba may ganoong layunin ang bawat mag-aaral ng Rezantheia? Bakit kailangan nilang paslangin ang mga tagapagmana?

Ano nga ba ang mangyayari sakanilang mundo kung sakaling pamunuan na ng tatlo ang kanilang mundo?

Ang tatlong prinsesa na may kakaibang abilidad ay susubukin na ng mga salamangkero't salamangkera.

Ngunit mapapaslang nga ba nila ang tatlong prinsesa na wala namang ibang ginawa kundi ang pangalagaan ang kanilang paaralan?

Magtatagumpay nga ba sila? 

O sila ang mamamaalam sa mundo ng Polantia Magica?

Ang tatlong prinsesa na puro sakit ng ulo lang ang dala ay muling magpapakita sa iba upang pagbigyan ang layunin nila. 

Ano ang layuning iyon?

'Slay the Most Powerful Mages.'

"No one can win against us, we are the most powerful mages of Polantia Magica."

+-+-+

DISCLAMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Slaying the Most Powerful MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon