Chapter 3: The Date day: Mall (PT 1)

310 19 9
                                    

(Typographical and Grammatical Errors Ahead)

Chapter 3:'Di ko nga Boypren si Bright}:|

Win's POV

"Win, bat ang manhid mo?"

"mahal nga kita dati pa! anong di mo maintindihan dun?" parang gusto ko nang maiyak sa kaba, hindi ko akalain na sa ganito aabot ang lahat.

Galit na tumititig saken si Bright, at sabay nun ay tumutulo rin ang kanyang mga luha.  "bat patuloy mo lang ako sinasaktan?"

"B-bright, I didn't know—"

"Malamang hindi mo malalaman dahil manhid ka!" hindi na niya pinagpatuloy ang sasabihin ko, tumatalsik pa ang laway niya.

"Win!" nag-iba ang boses ni Bright, at boses babae? wait boses yun ni mama ah?

"Win! hinahupak kang bata ka" nagulat nalang ako nang hampasin ako ni mama nang pagkalakas lakas. "Araaay, Ma naman eh" reklamo ko habang minamasahe ang braso ko na namula na sa kanyang paghampas.

problema ni Mama?

"Kanina pa kita ginigising—"

"Eh wala naman ako pasok eh—"

"Tse, magdadate pa daw kayo ni Bright!" so hindi niya ako pinatuloy sa sasabihin ko. apaka rude ng amams ko HAHAHA.

at teka, anong sinabi ni mama? Date? kami ni Bright? nabubuang na ba si Mama?

Tiningnan ko si mama na may pagtataka sa mukha,  Anong date? "Oh anong itsura yan? nagpaalam saken ang bata kahapon, ipapasyal ka daw niya sa mall"

hindi paren magsink-in ang mga sinasabi ni mama. Kala ko ba may sakit si Bright? E hindi yun pumasok kahapon eh, kaya mag-isa tuloy ako naglakas papuntang school.

"Babawi daw siya sayo sa hindi niya pagsabay kahapon, kaya ano pang hinihintay mo? mag-ayos kana! nakakahiya sa jowa mo yung ganyang ayos mo oh, tumutulo pa laway mo habang natutulog."

"Ma!"

"Oh ano? papalag?"

"Hindi konga JoWAH si Bright ehh, kulit niyo naman e" pagdidiin ko pa sa salitang HINDI JOWA.

"oh siya hindi mo na JOWA" pagdidiin din ni mama sa salitang jowa at nginitian ako, yung nakakaasar na ngiti.

At lumabas na siya, na hindi paren mawala ang ngiti. Hindi ko alam kung anong gayumang pinakain ni Bright kay Mama at bet na bet ako para sa mokong na iyon.

So dahil ipapasyal ako ni Bright ay dapat pogi ako sa susuotin ko diba? Sigurado kasi akong magpapapogi nanaman yun kay mama para makakuha nanaman ng boto para saken eh.

Ano kayang trip ni Bright?at ako ang paborito niyang pagtripan. Ganon naba ako kakyot para pagtuonan ng pansin? guys tell me.

Nang matapos na ako sa pagligo ay natagpuan ko nalang si Bright na nakahiga sa kama ko at nagpipindot sa kanyang cellphone, sa pagsara ko ng pintuan ng banyo ay nakaagaw ng kanyang atensyon dahil sa nalikha nitong tunog.

"Ohhhhhhh Sexy" at nagwhistle pa ang loko.

Wait, wtf?? nakatapis lang pala ako ng tuwalya!

Agad kong tinakpan ang dibdib ko, fck kaya pala kung makatingin saken ngayon si Bright parang gusto na niya akong gahasain, sa ganitong oras at sa ganitong lugar.

Alam ko kasing nahuhumaling siya sa dibdib ko eh.

"W-win" utal nitong pagtawag sakin.

"Pahawak naman ng dibdib mo" sabay turo niya sa dibdib ko gamit ang kanyang nguso.

"Manyak" at pinakyohan ko siya para matahimik siya.

"Bright, pwede bang lumabas ka muna ng kwarto ko? magbibihis ako at baka kung anong gawin mo saken" request ko sa kanya. Nung una ay ayaw niyang lumabas dahil pag nandon daw ako sa bahay nila ay nagbibihis naman DAW siya sa harap ko eh so dapat fair daw ampota. Pero wag kayo ha hindi ko nakita si johnny johnny niya hah.

Pero kalaunan ay lumabas din siya, buti naman noh? hahahaha

Pero bago daw muna kami mamasyal ay magbrebreakfast muna kami sa bahay ko este namin ni Mama.

"Oh Bright, papogi ka ng papogi araw araw ah?" pagpuri nanaman ni mama kay Bright.

"Syempre naman Mama, may inspirasyon ako eh" at tumingin saken si Bright.

Cringe face lang ang ginawaran ko sa kanila, leik iwwww, alam kong pogi si Bright pero huehuehuehuehue tas Mama pa ang tawag ni Bright kay Mama huehue

"So Anak kelan mo ba sasagutin si Bright?" diretchahang tanong saken ni mama.

Sa sobrang pagkabigla ko ay nabulunan ako sa iniinom kong strawberry juice.

"Ahh Ma, hindi ko po nililigawan si Win, pakipot e" at natawa ito. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya or may kinukubli lang siya sa mga tawang yun.

Naalala ko tuloy yung panaginip ko, na may gusto saken si Bright pero kabaligtaran naman ang nangyayari sa panaginip sa totoong buhay diba? so malamang hindi ako gusto ni Bright. Ayssss.

Sa aking pag-iisip hindi ko namalayan na sabay ko na palang kinakain ang itlog at ang hotdog, kaya itong si Bright at si Mama parang tumitingin saken ng makahulugan.

"Ang dudumi ng isip ha" at natawa nalang sila.

Si Bright na mismo ang nagpaalam kay mama na ipapasyal na niya daw ako, buti nalang dala ng mokong ang kanyang motor e, ayaw ko pa naman maglakad ngayon lalo na at sobrang init baka mangitim agad ako.

Naunang sumakay si Bright sa motor niya at umangkas ren agad ako.

"Win, Yumakap ka sa abs ko" sabi nito sabay suot ng helmet.

ABBAAAAA GUSTO NIYA PANG MANYAKIN KO SIYAAA?!?!

"Abaa at baket? sus, para kunware ako machansing sayo?"

"Edi wag kang yumakap" inis na sabi neto.

Ehhh?

Bigla nitong pinihit ang munobela kaya umandar ng kunti ang motor na siyang dahilan kung baket muntik na akong mahulog. Shet kaya pala pinapayakap ako ni Bright sa kanya eh :'(ಥ‿ಥ)

"Eto na yayakap na sa Abs mo kuno" at pinulupot ko ang kamay ko around his soft tummy.

WALA SIYANG ABS HAHAHAHAHA

Nagsimula nang umandar ang Motor niya, pero pinasuot muna niya ako ng helmet, baka kung ano daw mangyari saken dito, siya padaw masisi at konsensya na pa raw iyon.

Nakayakap lang ako sa kanya, takot akong mahulog lalo nat mabilis ang kanyang patakbo. I dunno whether excited siyang pumunta sa mall para sa FRIENDLY DATE namen or nagmamadali lang talaga siya.

"Win, may sasabihin akong mahalaga sayo" sabi ni Bright habang umaandar. Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi niya lalo na ang lakas ng hangin.

"Ha?"




PT 2 SOON

-
A/N

so hi guys, sorry if my updates took to loooong lmaooo, i've been busy these past few months at sobrang hassle talaga, btw the pt2 will be updated soon



Just Friends? (BrightWin)Where stories live. Discover now