FHEA
Lunes na naman, parang isang oras lang ang linggo; ang bilis lumipas ng araw kainis! New day new stress na naman.Bago pa 'ko tuluyang hilahin ng kama ay hinablot ko na ang towel ko tsaka ko nagtungo ng banyo, maliligo na muna ako nang mabawasan man lang ang antok ko.
Halos kalahating oras akong nagtagal sa banyo bago napagdesisyunang tapusin ang paliligo, nang matapos ako ay nagtungo ako sa kusina; naabutan kong nagluluto si Jane.
"Ang bango n'yan ah," saad ko habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang panibagong towel.
"Syempre ang ganda ko!" May halong pagmamalaking sambit nito. "Anong connect?" Pambabara ko, agad akong nakatanggap ng masamang tingin kaya napa-peace sign ako tsaka bahagyang tumawa.
"Good Morniiiiing, mga Dyosa!" Sigaw ni Marissa na mahahalata mong kulang sa tulog, naku! If I know may ka chat lang 'yan hanggang alas tres.
"Good Morning," sagot ko na lang.
"Mas maganda pa 'ko sa umaga," singit ni Faye.
"'Di ka naman lasing ah? Lakas ng tama mo, Faye panget!" Natatawang pang-aasar ni Marissa; tumawa na lang ako habang iiling-iling.
"Teka nasa'n si Sam?" Kunot-noong tanong ko.
"Malamang tulog pa 'yon," sambit ni Jane habang nililipat ang niluto n'ya sa lalagyan.
"Gisingin ko nga muna," sagot ko.
Nagtungo ako sa k'warto ni Sam para sya'y gisingin, nang makarating ako sa pinto nito ay agad akong kumatok; sunod-sunod na katok ang ginawa ko na talagang kumakalabog bingi lang ang hindi magigising sa ginawa ko.
"Ano ba?!" Nayayamot na sabi n'ya na mahihimigan mong inaantok pa, imbis na matakot ay s'yang paghagalpak ko ng tawa.
"Fhea?! Nakakainis ka naman eh!"
"Hahahaha! Lumabas ka na riyan at maligo ka na amoy ko na putok mo dito! Hahahahaha!"
"Gago ka talaga!"
"I love you, too!" Pang-aasar ko pa bago pa man n'ya 'ko ma-sermona'y agad na 'kong tumakbo patungong kusina habang walang tigil pa rin ang pagtawa.
"Anong itinatawa mo d'yan?" Bahagyang tumatawang tanong ni Marissa sabay kagat sa hotdog na nakatusok sa tinidor.
"Panigurado inasar na naman n'yan si Sam," sabat ni Faye.
"Hahahahahaha!" Tawa ko pa rin.
Maya-maya pa'y busangot na dumating si Sam, basa ang buhok nito kaya paniguradong naligo na s'ya.
"Oh anyare?" Pigil tawang tanong ni Marissa kahit pa alam n'ya na kung anong dahilan ng pagkabusagot n'yan.
"Tinatanong pa ba 'yan?!" Inis nga talaga s'ya; nabitin sa tulog.
'Hmm may kailangan na naman akong lambingin...'
Bahagya akong natawa sa naisip ko kaagad akong nakatanggap ng matalim na tingin mula kay Sam kaya napa-shut up ako tsaka ziniper kunyare ang bibig ko hudyat na tatahimik na 'ko.
Napadako ang tingin ko sa malaking orasan'g nasa pader, daglian akong kumain nang makita ko ito; male-late na 'ko!
"Kayo na lang bahala nito ah? Bawi ako next time! At ikaw Sam mamaya na kita susuyuin hehe male-late na talaga ako!" Natataranta na 'ko dahil male-late na nga 'ko bago ako umalis hinalikan ko muna sila sa pisngi.
"Kuyaaaaaaa stop! Para po!" malakas na sigaw ko sa jeep na dumaan, pinagtitinginan na 'ko but I don't care! Pagagalitan na naman ako ni Ms. Tabachoy-- I mean Tabachoi.
YOU ARE READING
Maybe, It's Love?
Teen FictionFhea Gregorio and Larkin Psyche. "Loving you is the happiest thing that ever happened to me, but I can't deny that it was the most painful thing that ever happened to me."