Chapter 5

18 1 0
                                    


KAIRUS


"What?! No, Ayokong pumunta ng probinsya Mom!" Asik ko.

"Sumosobra ka na, Kai! Kung ito lang ang paraan edi go! Iiwanan kita sa lolo mo, do'n ka mag-aaral at naayos ko na ang lahat ng kailangan para sa pag-tatransfer sa 'yo!" Sigaw n'ya.

"But, Mom! Ayoko nga do'n!"

"I don't care, Kai. Sa ayaw at sa gusto mo sa probinsya ka mag-aaral at mananatili hangga't hindi ka nagtitino!" Muli n'yang sigaw bago pabagsak na sinarado ang pinto ng k'warto ko.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang inis, sana pala hindi ko na lang ginawa 'yon. Pahamak talaga 'yong matandang 'yon.

"Kai, are you serious about this? nagpipigil tawang sabi ng isa sa mga tropa ko.

"Yes, hold this digital cam then record his reaction."

Maya-maya pa'y pumasok na ang teacher namin sa History, matanda na s'ya pero malakas pa rin ang boses n'ya.

"Good Morning, Everyone!"

"Good Morning, Mr. Gutierrez!" Nag-sitayuan ang mga kaklase ko kasama na 'ko dahil balak ko nang iabot ang kahon na naglalaman ng matinding pasabog ko sa kan'ya.

Nang magsiupuan na ang mga kaklase ko tsaka ko lumapit kay sir, "What is this, Mr. Silvenia?"

"Open it, sir! I know you will like it."

Bahagya akong lumingon sa likod para senyasan ang kaibigan kong magsimula na.

Unti-unti n'yang binuksan ang box, saktong pagbukas n'ya ay pagtalon ng limang palaka, kasabay no'n ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko. Tumalon ang isa sa mukha nito at ang isa ay sa may balikat nito at ang iba ay nagsisitalon na kaya napapatili ang ibang babaeng nadadaan nito.

Natahimik ang klase nang biglang bumagsak si sir sa sahig mukhang nahimatay ata, hina naman nito.

"Naku! Si sir! Lagot na naman si Kairus n'yan!"

Well I don't care sanay na 'kong nasa guidance.

"NAG-IISIP ka ba talaga Kai ha?! Pa'no na lang kung inatake si Mr. Gutierrez, he's already senior! Mag-isip ka naman!" Sermon sa 'kin ni mom habang nasa hallway kami.

Sinuot ko lang ang headphone ko para hindi ko marinig ang pangsasabon n'ya, akala ko titigil na s'ya gaya noon pero nagkamali ako dahil hinablot nito ang headphone ko, hahablutin ko sana nang ibato n'ya ito sa sahig at pinagaapakan.

"Hindi ko na 'to mapapalagpas, Kai! You need to take my punishment, sumosobra ka na!"

"'Sus, easy! Alam kong 'di mo rin ako matitiis," bulong ko bago nagpatuloy ng paglalakad.

"Argh! Sana pala hindi ko na ginawa 'yon!"

"'Wag ka ng sumigaw nang sumigaw d'yan, kung ako sa 'yo mag-impake ka na!" Sigaw ni Mom.

Napairap na lang ako bago kinuha ang maleta, alam kong wala akong magagawa pagdating sa desisyon ni Mom.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako sa pag-iimpake, hindi gano'n karami ang dinala ko 'pagkat may mga damit ako do'n na naiwan, t'yak kong kasya pa ang mga 'yon sa 'kin.

"Kai, kakain na!" Daglian kong itinabi sa galid ang maleta bago bumaba ng kusina, nasa sala palang ako'y amoy na amoy ko na ang mabangong adobo.

"Kumain ka na d'yan," aniya.

Maybe, It's Love?Where stories live. Discover now