MEGAN
HINDI ko pa rin maipaliwanag ang naramadaman ko kahapon para kasing nagkaro'n nang kung ano sa t'yan ko, 'yon ang unang beses na naramdaman ko 'yon; pati puso ko parang tinatambol sa lakas ng kabog. Ang alam ko sa tuwing kinakabahan ako tsaka lang ako nagkakagano'n, ibig ba'ng sabihin kinakabahan lang talaga 'ko?
Nakakainis dahil kahit anong gawin ko hindi maalis sa isipan ko ang mga naramdaman ko nang sandaling 'yon, saglit lang 'yon pero sariwang-sariwa pa rin lahat sa isip ko. Ultimo maliliit na detalye natatandaan ko, bakit pa kasi kailangan n'yang ngumiti!? At anong mero'n sa ngiting 'yon para magkaganito ako?
'Waaaaaahhhh ano ba Megan!?'
"Hala, may pasok nga pala!" Daglian ang tumayo at nagtungo banyo, panandaliang nawala ang iniisip ko kanina.
"Akala ko hindi ka na papasok eh," bungad ni Marissa.
"Waaaahhh dapat kinatok mo 'ko, aalis na 'ko!"
Nagmamadali akong tumakbo hanggang sakayan, ilang minuto rin ang itinagal ng byahe bago ako nakarating sa aking paroroonan.
Daglian akong tumakbo papasok, ibinuhos ko lahat ng lakas ko sa pagtakbo saktong tapat ko sa pinto ay s'yang pagtunog ng bell hudyat na klase na.
"Nakaabot ako," mahinang bulong ko bago hinihingal na umupo sa 'king upuan.
"Akala ko 'di ka na papasok eh," saad ni Mauve na hindi ko na nagawang pansinin dahil saktong dating ni Mrs. Tabachoi.
"MAY gaganaping Acquaintance sa darating na Agosto, sana'y maghanda kayo." Huling sinabi ni Ms. Tabachoi bago tuluyang lumabas ng classroom.
Teka ngayon lang sila nagpa-Aquaintance ah? Mukhang masaya 'to!
Nakita ko sa gilid ng mata ko na itinabingi ni Mauve ang upuan n'ya paharap sa 'kin si Maximoure naman ay pumunta rin aa harapan ko muntik na nga 'kong mapatawa nang paalisin n'ya 'yong kaklase kong bakla na takot sa kan'ya.
"Sino date mo?" Agad na tanong ni Mauve.
"Kailangan pa ba no'n?" Takhang tanong ko.
"Mygod Megan! Taga-saan ka ba?"
"Taga-Uhm Bahay?"
Sinamaan ako nito ng tingin dahilan nang paghagalpak ko ng tawa.
"Ikaw na nga lang kakausapin ko Maxi. ang hirap kausap nitong Megan na 'to," gigil na sambit nito.
Umiling iling na lang ako bago bumalik sa pagkakaupo, iniisip ko kasi 'yong tinanong n'ya. Ngayon lang nagkaro'n ng ganitong event aba palalampasin ko pa ba? Besides last year na namin dito kailangan namin gumawa ng memories na hinding hindi makalilimutan!
Pero 'yon nga, sino naman'g ipapartner ko? Teka, teka. Is that required? Ahh bahala na siguro naman ilalagay nila 'yon sa bulletin.
Mabilis din'g natapos ang oras ng klase ngayong umaga at masasabi kong maganda ang araw ko ngayon, hindi muna ako sumama kina Mauve mag-recess sa canteen dahil tutungo pa 'ko ng library para ibalik ang mga libro'ng hiniram ko no'ng nakaraan at oo hindi ko pa naibabalik, siguradong sisigawan ang ng matandang nagbabantay ro'n.
YOU ARE READING
Maybe, It's Love?
Teen FictionFhea Gregorio and Larkin Psyche. "Loving you is the happiest thing that ever happened to me, but I can't deny that it was the most painful thing that ever happened to me."