MEGANMahabang buntong hininga ang pinakawalan ko nang makaupo ako sa upuang katabi ni Mauve.
Tapos na ang biology kung sa'n kaklase ko ang lalaking 'yon, kung nagtataka kayo kung bakit nagkahiwalay kami ni Mauve ay dahil hinati ang section namin sa subject na Biology.
Inaalala ko pa rin ang mga salitang kan'yang binangit, sino ba kasi s'ya? 'Di ko talaga maalala!
"This is the third time we met, but sadly; you immediately forgot my handsome face."
What does he mean?
"What do you mean?" kunot noong tanong ko.
"Pretending? Tss. Nevermind."
Pretending? Nababaliw na ata 'yon eh 'di ko nga s'ya kilala eh tapos sasabihin n'ya we met not once but thrice grr binigyan n'ya pa 'ko ng iisipin.
'Eh bakit ko nga naman kasi iisipin?!' tanong ko sa 'king isipan sabay sapok sa noo.
"Tanga mo, Megan! Ba't mo nga naman kasi iisipin," bulong ko.
"MEGAN PSYCHE!" Biglang sigaw sa tainga ko kaya napasapo ako sa 'king dibdib bago inis na tiningnan ang mapangahas na sumigaw sa 'kin.
"Mauve?!" Asik ko nang makita ko ang mukha n'ya."Makasigaw ka naman parang walang bukas ah!"
"Kanina pa kaya kita tinatawag tapos ikaw busy'ing busy kaka-day dream," sarkastikong aniya sabay irap.
"Sorry naman!"
"Hmm.. Anong nangyari kanina? Sa Biology class mo, paglabas mo ro'n lalim na ng iniisip mo."
"Wala 'yon, may nakilala lang akong crazy guy."
"Talaga?! G'wapo ba? Malakas dating? Yieee crush mo na siguro!"
"Shut up! Anong crush?! Kailan pa 'ko nagka-crush?"
"Sabi ko nga eh, masyado kang defensive!"
"Hindi s'ya g'wapo! Maraming kulubot ang mukha n'ya at pandak s'ya."
"Ay gano'n?" parang nanghihinayang sambit nito.
Umalis na s'ya't nakipagdaldalan kay Maximoure, pinsan slash kaklase namin.
Maya maya pa'y dumating na ang teacher namin.
Wala man lang akong natutunan sa lesson nito 'pagkat iniisip ko pa rin kung sa'n ko s'ya nakita at kung nagkita na ba talaga kami.
"Philippines Science High School, bayad."
nanlaki ang mata ko nang mag sink in sa 'king ang lalaking nakasabay ko sa jeep ay ang lalaking kaklase ko sa Biology! Ngunit isang beses ko palang s'yang nakatagpo bale dalawa pa'no naging tatlo?
"Ms. Psyche, why you look confused?" Napabalikwas ako sa tanong 'yon, shit si Ma'am!
"Ah eh wala po," nahihiyang tugon ko.
"Are you sure? Tell me if you don't understand the lesson I will repeat it again."
"No need po Ma'am, thank you po."
Nagpatuloy si Ma'am sa pagdiduscuss nang tumunog ang bell hudyat na break time na.
"Class Dismissed."
YOU ARE READING
Maybe, It's Love?
Teen FictionFhea Gregorio and Larkin Psyche. "Loving you is the happiest thing that ever happened to me, but I can't deny that it was the most painful thing that ever happened to me."