Assuming

184 9 0
                                    

Alex's POV

Tapos na din yung klase ko. Haaay Salamat! Grabe full lahat ng subjects namin malapit na kasing mag-exam ehh..

Wait, lunch break na! Baka hinahanap na ako ni Jonathan!

*Bakit ka niya hahanapin eh may gf na yun*

Oo nga noh! di nalang ako sasama sa kanila mag-lunch, magsosolo nalang muna ako, baka makaabala pa ako sa kanila eh..

Tumayo na ako.

Palabas na sana ako nang,

"Alex, tayo na, halika na, para tayo ang mauna sa pilahan!" mabilis na sabi ni Jonathan.

"Ah, ehh-- sige tayo na" sabi ko nalang. Sayang naman yung effort niyang puntahan pa ako sa classroom namin if di ako sasama ,diba?

Naglakad na kami papuntang canteen. Nakasunod lang ako sa kanya.

Habang naglalakad, may napansin ako!

Bakit di niya kasama si Rose?

Baka nagbreak na sila ^_^, matanong ko nga.

"Hmm, Jonathan, tayo lang bang dalawa maglalunch?" mahinahong tanong ko.

Ohmy! Baka may Chanc---

"Aie, hindi Alex, may ginagawa pa kasi si Rose, pero papunta na yun dito, gusto ko lang mauna tayong pumila  para makabili agad tayo para pagdating ni Rose ready na lahat" nakangiting pagsagot niya. =_=

"Okay" mahinag sagot ko.

Yan! Nasaktan ka na naman Alex! Assumera ka kasi. Di mo kasi ginagamit kukuti mo eh. sabi ko sa sarili ko.

•••

Natapos na kaming bumili ng mga pagkain,

"adagshskajqhj" sabi ng tyan ko.

Gutom na ako! Hinihintay pa kasi namin yung GF niya ehh.

And speaking of HER, papunta na siya dito sa table namin.

"Hi mahal.... Hi Alex... " bati niya samin.

"Hi Rose" pilit na bati ko sa kanya. =_=

"Mahal sorry ahh natagalan kasing matapos yung project namin. Sorry talaga." sabi niya sabay umupo sa tabi ni Jonathan. =_= Shit.

"Okay lang yun mahal" sabi ni Jonathan sabay hawak sa pisngi ni Rose. =_=

"Okay Mahal, ahhh sige kain na tayo gutom na gutom na kasi ako ehh *pacute*"

Wow hah! Di man lang niya kami inisip? Gutom na din kaya kami, tapos kami pa tong pumila, tapos siya ano hah? Antagal! Ano! Papatayin ba niya kami sa gutom. =_=

*Spell Bitter! A-L-E-X*

Di ako bitter, sadyang gutom lang talaga ako.

"Sige mahal kain ka na"- Jonathan.

Nagsimula na din akong kumain.

Kupal talaga ng babaeng 'to.. Hmmp, maswerte ka kasi ikaw ang babaeng minahal ni Jonathan, kundi, Kalbo ka na ngayon.

Nang tapos na akong kumain, nagpaalam na ako kay JONATHAN.

Take note: Kay Jonathan lang.

"Hmm, Jonathan, alis na ako ahh, tapos na naman din akong kumain eh, sige mauna na ko sa inyo" tapos umalis na ako. Di na ako nag-abalang tumingin at magpaalam dun sa babaeng yun noh! Ginutom ba naman ako.

When A Gay Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon