Chapter 6 - Gelo Francisco
Afianna's POV
Pagkalabas ko ng office, nakita ko agad si Gelo na nakasandal sa pader habang nakapamulsa at patingin-tingin sa paligid. Nang mapansin ako, agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.
"Ano ang sinabi ng headmaster sayo?" Nag-aalalang tanong niya.
Tiningnan ko naman si Gelo na parang bata na naghihintay ng candy sa nanay niya.
I sigh.
'Seal Activated.'
"Face Reveal." Nanlaki naman ang kanyang mata sa aking sinabi at napatakip pa ng bibig.
"Ginawa mo?" Gulat niyang tanong. Sinagot ko naman ito ng oo.
"Ang daya! Ang tagal ko ng hindi nakikita mukha mo pero si HM first niyo lang kita ngayon at pinakita mo na mukha mo sa kanya! Ang daya talaga!" Pagmamaktol pa nito at napapasabunot pa ng buhok.
Ang sarap batukan. Kaya binatukan ko talaga siya at tumahimik naman ito sabay pout sa akin.
"Ugly duckling." Sabi ko na mas nagpasimangot sa kanya.
"Ang daya mo Afianna." Sabi niya at naunang maglakad.
Sinundan ko naman ito at narating namin ang dorm building ng boys at girls.
"I'm hungry." Sabi ko ng maramdaman ang mahinang pagkalam ng sikmura.
Napalingon naman siya sa akin na may ningning ang mga mata. "Libre mo ko."
Ako gutom pero siya pa ang nagpapalibre.
"Fine." Pumayag na lang ako kaysa sa mangulit pa ito sa akin ng walang tigil.
"Yes!" Pasigaw niyang sabi na mukhang nanalo sa luto at nakangiti ulit na tumingin sa akin. "Sa right wing ang rooms ng mga babae, sa left naman ang lalaki." Sabi niya at binuksan ang malaking double door sa aming harapan.
Agad kaming nagpaalam sa isa't isa at nagdesisyon na magkikita na lang kami sa lounge ng building pagkatapos ng sampung minuto.
Hinanap ko ang dorm room ko which is 514. Ang sabi sa akin ni Gelo kanina ay ang first raw na number ang room floor namin kaya nasa fifth floor ako ngayon habang hinahanap ang room ko.
Nang mahanap ito, agad akong kumatok at nag hintay ng ilang sandali pero wala pa ring bumukas kaya binuksan ko na lang ang room gamit ang susi.
Bumungad sa akin ang two floor na dorm room. Sa aking kinatatayuan, nakita ko ang second floor, ang maaliwalas na sala, ang sliding door na papuntang terrace, isang pintuan at ang kusina. Everything is in pastel color, the way I like it. And I bet my roommate got an ability related to space.
Inilock ko muna ang pintuan bago pumunta sa second floor. May nakita akong dalawang pintuan, ang isa ay may pangalan na ang nakalagay ang isa ay wala kaya binuksan ko ang isang pintuan at pumasok roon.
Isang white king bed, a sofa in the side, isang coffee table, study table, bedside table, a tall lampshade in the both sides of the bed, at malaking closet. May nakita rin akong isang pintuan which is I guess the bathroom. Everything is in white or blue. I putdown my bag at naglakad papaupo sa sofa.
"Arrange my things for me." I said and the backpack fly towards the
Even I already activated my seal, if my words are more than two, it will act as a spell. If the seal is deactivated, even one word is so powerful that it can kill or destroy everything. If it's activated, it can only perform simple or normal spells such as activation of my attributes and like what I'm doing now.
BINABASA MO ANG
Afianna: The Reincarnation Of A Goddess
FantasySa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic." At sa mga simpling salita na isinulat, nag umpisa ulit sa una ang kanyang buhay. Gagampanan ang isang importante...