IX

9K 456 11
                                    

Token

Afianna's POV

Matapos ang Weaponry subject, the whole group decided to eat together in the cafeteria. Wala naman akong magagawa because Vanilla insisted. Libre raw niya and of course, pagkarinig ng libre, umoo agad.

At ngayon nga, nandito kami sa cafeteria, naghihintay sa inorder na pagkain ni Hail at naiirita na ako sa mga mata na nakanina pa nakatingin. Ang sarap ipakain sa buwaya eh.

Napansin ko rin na medyo napalapit na si Gelo sa kanila, lalo na sa boys at nagtatawanan na.

This is just like those stories I read in Wattpad, ang pinagkaiba nga lang, hindi ko na ito nababasa, nararanasan pa.

"Afianna girl, ano meron at palagi kang nag-cocloak?" Tanong sa akin ni Hail.

Akala ko talaga mataray siya at maarte pero ika nga nila, first impression never lasts.

"Oo nga, Afi. Gustong gusto ko talagang itanong yan sa'yo ehh. Naunahan lang ako ni Hailey." Sabi naman ni Carmen, she is indeed jolly at nakakatuwang kasama.

Inilabas ko muna ang whiteboard at marker at inilapag ito sa lamesa na ipinagtaka nila.

"It's to hide my appearance and for training also." Sabi ko using the whiteboard.

"For training? Ano ibig mong sabihin?" Sabi naman ni Carmen.

"I will let you borrow some of my cloaks for you to know. If it's alright?"

"Cool! Do you have a red cloak?" - Hailey.

"Yeah. I got cloaks with different colors. You can come to our dorm sometime."

"Akin blue!" Sigaw ni Carmen na nakaagaw sa atensyon ng mga boys.

"Orange naman yung akin." Sabi naman ni Vanilla na hindi pinapansin ang tingin ng mga boys.

"Uyyy uyyy, Afi. Cloaks mo ba yang pinag-usapan niyo? Pahiram ako ng Black!" Singit naman ng unggoy na si Gelo.

"Cloaks? Ilan ba lahat ng cloaks mo, Afianna?" Tanong naman ni Lance.

"Isang daan." Sagot na Gelo. Agad ko naman siyang sinipa sa ilalim ng mesa.

"Wag maniwala dyan." - ako.

"Pwede rin bang pahiram ako, Afianna?" Sabi ni Ken with his puppy eyes. "Black din sana."

"Ako rin! Black!" Sabi naman ni Lance.

Napabuntong hininga ako at saka tumango bago tiningnan ang lalaking kanina pa hindi umiimik.

"Sa'yo?" This time, I used my voice. Malay ko ba kung titingin siya sa board na nasa mesa.

Nanlalaki naman ang kanilang mga matang tumingin sa akin.

"You talk?!" Sabay-sabay nilang sigaw. Napatakip naman ako sa aking tainga. Damn, nabasag ang eardrums ko don ahh.

"Gelo." Tawag ko sa kanya.

Napahalakhak naman siya bago tumikhim. "Ganito kasi yan guys." Sa kanya naman nabaling ang atensyon ng lahat. "She CAN talk. BUT one or two words lang." Emphasizing the words 'can' and 'but'.

"What?" Nanlulumo namang napatingin sa akin si Vanilla. "That's sad."

I used my board. "I am used to it. Don't worry." And put a smiley face in the end.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon