Umpisa

5 1 0
                                    


"WHAT!??? Kuyaaaa ayoko sa probinsya! Ayoko sa putik, ayoko sa mabaho! Kuya ayoko doon!"

"Niana.. Kailangan, hindi ka namin matututukan ng ate mo at abala kami pareho. Naiintindihan mo naman siguro ang nangyayari saatin ngayon hindi ba? Mom is in jail.. Our companies are in danger. Maraming utang si mommy sa malalaking tao and hindi na ako magtataka kung manganib ang buhay natin Niana.. We dont want you in danger kaya kay Dad ka muna"

"I said ayoko! I can take care of myself kuya! I promise i wont be sakit sa ulo for you and ate Fynetch! Just dont tapon me sa lugar na iyon! Ayoko kuya Vin! A.YO.KO!"

"Khyniana!"



Padabog na sinara ko ang pinto ng aking kuwarto at nilock ito. Umupo ako sa queen-sized bed na kulay pink at may design na unicorn. Humalukipkip ako habang nanliliit ang tingin sa sahig.


I can't believe my ate and my kuya! Ipapatapon nila ako sa probinsya just because naghihirap na kami? Just because they cant give me money anymore ay ipapasagot na nila ako sa walang hiya naming ama!? I can't believe them! I'd rather rott here than go to that stinky province! I will never go there! NEVER!

"Niana open the door"

I heard ate Fynetch's voice full of authority. Tinignan ko nang masama ang pinto na para bang nakikita niya ako.


"No! Ayoko!"


"Niana open this door or sisirain ko to!?" sigaw niyana nagpatigil sa akin.


I know ate Fynetch. She's a softie, but when she's stressed and really angry she does things you dont expect that she can do.


Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto at marahang binuksan ito bago nagmamadaling bumalik sa pagkakaupo sa higaan.


Nanatili sa sahig ang aking paningin hanggang makita ko ang kaniyang doll shoes na nasaking harapan.

"Niana"


Lumuhod siya sa harapan ko para at hinanap ang aking mga mata. Nakanguso kong iniwas ito at nanatili ang mata sa sahig.


"Niana look at me.." she softly said that made me look at her.


Nag-init ang gilid ng aking mata nang makita kung gaano kastress ang kaniyang mukha. Ang dating Fynetch na sobrang clearskin at walang bahid ng eyebags ay may ilang tigyawat na ngayon at nangingitim ang ilalalim ng mata dahil sa walang tulog.

"Niana... We need you to cooperate. Hindi ka naman namin itatapon kay Dad. Besides, pansamantala lang iyon habang magulo pa ang mga kompanya natin. Hindi ka magtatagal doon Niana, we just want you safe... Kukunin ka din namin don pag ayos na ang lahat... And we want you to meet Dad, since you never had a... " lumunok siya.

"... chance. Since mom wont let dad see you, eto na yung pagkakataon para makilala mo siya Niana... This is for your own good... This is for our own good. We want you to cooperate please, to sacrifice just a little please... Please? " pakiusap niya at wala akong ibang nagawa kundi tumangoe


How can I say no when I can see how broken she is? Her boyfriend cheated! Kuya Vin's wife left him! Kuya Vin is broken too. At halos si ate ang sumasalo ng lahat even she's broken she wouldn't let us down! Sinasalo niya parin kami kahit nabibigatan na siya sa sarili niyang dala.. So how can I say no to my lovely sister?


She helped with my luggage. While doing that, I saw how fast she lost weight. Buto buto na siya halos! Gone the elegant Fynetch, gone the sweet beautiful Fynetch Arterel! All because of her boyfriend who's a cousin of satan!


"Ate will you be okay here? I can still help you know... I know a little about business since magcocollege naman na ako, and thats the course i want to pursue.. I can help you here" sabi ko habang iniimpake ang mga heels.. I cant live without these noh!


"Hindi na Niana... Enjoy your teenage years, hayaan mo na kami ni kuya. We can manage"

Ngumuso ako sa sagot niya at sinarado ang zipper ng isang maleta na puros heels ang nasa loob.


"You wont need those there, Niana... Probinsya iyon at puro bukid ang nakapaligid, bakit ka pa magsasandals?" sita niya at nagkibit akong balikat

"Incase of emergency" i pointed out and started packing some branded clothes. I definitely need these too! Ayoko magsuot ng ukay ukay! It looks like basahan! Ambantot pa! Yuck!

"Niana, simple clothes will do... Why would you wear a gown in a place like that? Rarampa ka ba sa bukid?" sita niya uli at hindi ko siya pinansin at inabala ang sarili sa pagiimpake.



Nang matapos ay pinabuhat namin sa mga guards ang may kinse kong naglalakihang maleta. Lahat iyon ay kulay pink tuloy ay nahirapan ako alamin kung ano ba ang nakalagay doon.

Why didn't I remembered putting some label?

Oh well! Ayos na iyan! Kung yung iba nga riyan lakas makademand mga wala namang label.


Sumakay ako sa sasakyang gagamitin, nakabuntot ang ilan pang sasakyan samin na laman ang mga bagahe ko.

"Magpakabait ka don Niana... Dont give dad a heart attack.. Respect him even after everything that happened Khyniana, he's still our father.... And I'll put back some of your luggages hindi iyan kasiya sa titirhan mo" nanlaki ang aking mata sa sinabi ni kuya Vin


Mula sa backseat ng Mercedes benz ay tinanaw ko ang isa pang kotse namin na ngayon ay inilalabas na ang ilang maleta ko..


Noo!

Aapila pa ako nang maramdamang gumalaw na ang sasakyan pero nakabukas pa ang bintana.

"Dad is waiting for you at the airport Niana! You dont have to worry when you land there.. Magpakabait ka!" pahabol pa ni kuya habang nakanganga kong tinatanaw ang ilang maletang ibinabalik ng mga guard sa bahay.

Nooo!!!


Ilang minuto pa at nakalayo na kami sa mansiyon ay nanatili akong nakatanaw sa bintana at hindi makapaniwalang ibinalik nila ang ilang bagahe ko. What if my undies are there? Ano nalang ang susuotin ko!?


Kinapa ko ang cellphone ko at halos mabato ito sa inis nang makitang wala itong charge.

Gosh! I'm so malas!

Ipinikit ko ang mata sa sobrang inis at napagdesisyunang matulog nalang, mahaba haba pa ang biyahe patungong airport. Nakapikit kong inisip ang sitwasyon namin. Mom is in jail, ni hindi man lang ako nakapag paalam sakaniya. Kung bakit ba naman kasi siya sugal nang sugal! Ayan tuloy naghihirap na kami.

Naiiyak ako nang maisip na mawawalay ako kina ate at kuya. I hate this decision of them but I know they're doing their best to keep me safe! Hindi katulad ng mommy namin na walang pakialam!


Nagpalamon nalang ako sa antok at hinanda ang sarili sa kaloob looban

I would be in hell in no time! Gawd! I hate my life!




Demonyo [ Rivadenera Series #1]  (ON GOING) Where stories live. Discover now