"Kuliglig"
"What!?"
"Kuliglig!"
"What the hell is that!?"
"Ayan o! Nasa harapan mo na!" sabay lahad niya sa sasakyang hindi ko maintindihan.
Nakangiwi kong pinasadahan ng tingin ito. Puro putik ang gulong at kinakalawang na ang sasakyang sinasabi niya.
Hindi ko naiwasang pasadahan din ng tingin ang lalaking nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin. Ngayon ko lang napansing nakapang bukid pala siyang suot at puros putik ang berdeng long sleeve niya. Maging ang faded na pantalon na mukhang ilang dekada na! Ang bota niya naman ay nababalot na ng natuyong putik. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ang gwapo niya parin sa paningin ko! Ughh justice please!!
Napalunok ako nang makitang bakat na bakat ang biceps niya sa magkabilang braso. Ang mga kamay niya ay halos lumabas na ang ugat sa sobrang galit ng mga ito. Bumalik ang tingin ko sa gwapo niyang mukha at nariyan nanaman ang kaniyang mala demonyong ngisi na akala mo ay anumang oras ay kakainin ka ng buhay.
Oh eat me please!
What the hell!?
"You're seriously going to let me ride that thing!? THAT IS SO EW DUHH!" maarteng ani ko habang nandidiring tinitignan parin ang kinakalawang na sasakyan.
"Ikaw bahala ka... Pwede ka naman maglakad, your choice" kibit balikat niya at sumakay doon sa harap kung saan may hawakan na pinaka manibela. Tumabi sakaniya si Hemi na kanina pang nakangusong nanonood sa amin.
May hinawakan siya sa harap at nanlaki ang aking mata nang maisip na maiiwan akong mag-isa! No!
"Hey wait! Heto na! I'll ride your kinakalawang na sasakyan na!"
Nakangiwing umakyat ako sa likod ng kinakalawang na sasakyan. Nang makaupo ako ay hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gumaan ang aking loob, ngunit hindi ko ipinakita iyon.
Umusog ako sa may bandang gitna, nasa pinaunahan ang aking mga maleta kung saan hindi ito malalaglag.
I can't believe I'm riding this thing with my Guess t-shirt and Yves Saint Laurent heels! Imagine the horror!
Nagtaka ako nang bumaba pa si demonyong gwapo na si Gio. May kinalikot siya sa harapan na parang engine ng sasakiyan. Nagpanic ako nang makitang umusok ito.
"Oh my God! Are you gonna kill us ba!? Bakit siya umuusok? My gosh Gio! Ano ba naman tong sasakyan mo! So luma!" sigaw ko ngunit dinilaan niya lang ako
"Nyenyenye... Ganiyan talaga yan ingliserang hilaw. Wag ka nang mareklamo ikaw na nga lang sasakay.. Pasalamat ka nga at hindi kariton ang nadala ko" sabi niya at halos mapatalon ako nang naginig ang buong sasakyan at nagkaroon ng nakakarinding tunog.
"Holy Cheese! What is that!?" sigaw kong nagpapanic na talaga, halos mapasabunot nadin ako sa buhok kong maalon. Nanlaki ang butas nang ilong ko nang malakas niya akong tawanan.
"HAHA! Ang sarap mo daw kasing sumakay ayan tuloy, naginig na"
Tatawa tawang sabi niya habang inililiko ang manibela nang hindi pa siya nakasakay. Napahawak ako sa puso ko nang makitang mukha itong mapuputol!
"Manyak! Bastos! Demonyo!" sigaw ko pero tumawa lang silang dalawa ni Hemi.
Sumakay din siya pagkaliko ng sasakyan at napahawak ako sa gilid at halos bumuga na ng apoy sa iritasyon.
"Ano ba naman itong kuligig mo Gio! Titirik na ata! Palitan mo na ito!" sigaw ko pero tinawanan lang nila ako ni Hemi
"Kuligig daw kuya Gio! HAHA" rinig kong tawa ng batang yagit na si Hemi.
What's so funny with Kuligig?
Inirapan ko sila na hindi naman nila nakita. Inabala ko na lamang ang sarili sa paligid para kahit paano'y mawala ang iritasyon.
Papalubog na ang haring araw. Kasabay ng paglamig ng simoy ng hangin ay ang paglamig ng aking pakiramdam.
Nilingon ko ang maliit na airport na pinanggalingan. Karamihan sa mga sasakyan ay mga tricycle lamang at ilang mga maliliit at lumang sasakyan. Bilang lang ang mga pang mayaman. Ang mga tao ay simple lamang ang porma at may masasayang ngiti sa labi. Hindi ko alam kung bakit sa ganda ng tanawin ay ang bigat ng loob ko.
Siguro ay dahil alam kong kahit mukhang paraiso ang lugar na ito ay para sakin isa itong impyerno. Impyerno na kung saan hindi ako nababagay. Lugar na kung saan masasaktan ako ng sobra. Kung saan mauupod ako hanggang sa wala nang matira.
I live with a luxurious life. My mother spoiled me with everything that money can buy and pay. I was born with a golden spoon in my mouth. My siblings spoil me too with so much love... Na kahit alam kong may kulang sa buhay ko ay hindi ko iyon naramdaman dahil sa kanila. I never longed for a father. I said to my self that I dont need a cheating manwhore father.. To hell with him! We don't need him! We can live happily without him!
Pero kahit pala anong kalimot mo, kahit anong iwas mo sa isang bagay, sa isang tao... Dadating ang panahon na kailangan mo silang kilalanin, na kailangan mo silang harapin.
Dadating ang panahon na kakailanganin mo ng tulong... At sila lang ang makakatulong sayo sa panahong iyon.
Sa panahong iyon. Pride doesnt matter. Aanhin mo ang pride kung patay ka na? Aanhin mo ang pride kung wala ka nang makain? Aanhin mo ang pride kung wasak ka na?
Mag-Ariel ka nalang!
"Sa ilalim ng puting ilaaawww!! Sa dilaw na bhhuwann!!"
Natigil ako sa pag-iisip kung ano ang mas maganda, Pride o Ariel, nang may bigla nalang kumanta ng napakalakas.
Napalingon ako sa harapan at nakitang nagjajamming na ang dalawa, kunwari pang nagddrums si Hemi na hinahampas hampas ang manipis na bakal na kinakalawang na inuupuan. Ansakit nito sa tainga dahil wala naman ito sa tono at para siyang nagtatawag ng maligno o kung ano. Sinabayan pa ng barag na boses ng malademonyong gwapo.
Napatingin ako sa paligid at napansing maraming tao ang napapatingin sa amin, bahagya akong napapayuko tuwing lumilipat ang kanilang tingin sa akin. Ngunit nagtaka ako nang makitang nakikisabay pa sila sa kanta ng mokong. Ang iba pa ay tinawag ang kaniyang ngalan at kumakaway, may nakita pa akong mga babaeng parang uod na inasinan nang makita siya.
Sikat pala ang demonyitong to?
"Pakinggan mo ang aaaaaking sigaaw!!" sigaw niya pa
"Tuturuturutut" segunda ni Hemi na napapaheadbang pa.
"saaa dilaww na buwaaan" sabay nilang kanta.
Napasabunot nalang ako sa buhok dahil ansakit talaga sa tainga ng pagtatambol ni Hemi kasabay ng pagsesecond voice nya sa barag na boses ni Gio.
"Oh please stopp!!!"
"Ang iyoooonggg gandaaa'yyy"
"Stop it na!"
"Umaabottt sa buuu--wannn"
"ARGH!!!" napatakip na ako ng kamay sa tainga sa sobrang inis. Yumuko ako para itago ang mukha sa mga nadadaanang tao.
Why are they singing that? There's still no buwan!
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na sila sa pagkanta. Inangat ko ang paningin at tinanggal ang kamay sa tainga. Nilibot ko ang ang tingin at namangha sa nakita.
Napapalibutan kami ng maberdeng bukid. Nagkalat ang madahong mga puno sa paligid. May ilog rin na sobrang linaw at linis na pinagkukuhanan ng tubig para sa patanim. May mga magsasaka na naghahanda nang umuwi na kumakasay sa amin. May nakita pa akong kalabaw na may hila hilang parang higaan na may gulong. Hindi sementado ang daan ngunit patag ito at walang kakalat kalat. May ilan ding mga bulaklak at halaman na nagkalat. Malayang lumilipad ang mga ibon sa kalangitan... Paraiso, para akong nasa paraiso, malayo sa mga lungsod na puno ng polusyon at usok.. Malayo sa langit na kinagisnan ko.
"Ano maganda ba dito ingliserang hilaw?" tanong sakin ni Gio, marahil ay napansin ang pagkamangha ko sa paligid. Ngunit hindi ko siya napansin sa sobrang pagkamangha.
"Welcome to Rivadenera, Khyniana.."
---------
#kuligig
YOU ARE READING
Demonyo [ Rivadenera Series #1] (ON GOING)
Teen Fiction"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno Ako ang demonyo gagabay sa iyo Pabalik sa langit habang tayo Ay paakyat ako'y napa-ibig sayo"🎶