Tinanggal ko ang wayfarer at isinabit ito sa T-shirt na suot. Inilibot ko ang paningin sa dagat ng taong naghihintay sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan, o kasintahan.
Bahagya pa akong nahihilo sa sinakyan na eroplano. Kung paanong nakakuha agad ng ticket sila ate ay hindi ko alam. Siguro ay hinanda na talaga nila ito dahil kahit humindi man ako ay wala na akong magagawa dahil pipilitin nila ako.
Muli kong iginala ang paningin at huminga nang malalim nang makitang wala ang pangalan ko sa mga banner, mga karton at kartolina nila.
Iritang tinulak ko ang apat na maletang natira sa akin. Magkadikit ang mga likod nito at hirap na itinutulak ko mula pa kanina. Akala ko naman ay may ipinadalang bodyguard dito sila ate kaya madami akong inimpake. Ako lang din pala mag isa.
"Kayo ho ba si ate Kenyana?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa gilid. Nilingon ko ito at nakita ang isang batang gusgusin, magulo pa ang buhok at marumi at may ilang butas ang damit, at putik putik ang lumang tsinelas. Sa tingin ko ay may anim o pitong gulang na ito.
"Sinong Kenyana? Im Khyniana... Kin-yana, not Kenyana. Duh? " inirapan koto sabay flip ng hair ngunit nanlaki ang butas ng aking ilong nang ngumiti ito ng todo at nakita ang bungal nitong ipin.
"Ako naman ho si Helena Milissa! Hemi for short! Ako po tagapagmana ng mga pechay ni nanay Roti! At ako din ang susundo sainyo sabi ni tatang Yano! Halina po kayo!"
Tinalikuran niya ako at masayang nagtatakbo papalabas ng airport. Hirap na sumunod ako sakaniya. Pinagsisisihan ko na ngayon kung bakit naka 6 inches na heels pa ako. Ang sakit sa paa! Hindi man lang ako tinulungan ng batang iyon!
"Miss kailangan mong tulong?"
Napalingon ako sa nagsalita at kinilabutan ako sa itsura nito. Namumula ang mga mata, itim ang labi at dilaw na dilaw at may ilang tinga pa ang ngipin na kitang kita sa malaki niyang ngiti.
"No I'm fine" ngiwing sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakailang hakbang palang ako nang maramdamang may humawak na magaspang na kamay sa aking braso. Napalingon ako at halos mapatili nang makitang ang mama ito, may kasama pala siyang kampon niya na mga tulad din nyang mga adik.
"Miss wag ka nang pakipot... Gusto mo bang malasap ang langit?" malisyoso niyang sabi
Langit ka riyan! Baka pangit!
"Ayoko! Lumayo ka nga please, ambaho ng hininga mo!" pumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin
Napagala ako sa paligid at walang gaanong tao sa parteng ito ng labas ng airport, tanging mga sasakyan na paisa-isa lang ang dumadaan na hindi kami napapansin dahil magdidilim narin at walang ilaw na tumatama sa amin.
Nanlaki ang mata ko nang makitang humakbang na palapit ang dalawa niya pang kasama. Pilit akong umatras at natanaw ko ang apat na maletang nabitawan ko.
"Saglit lang naman tayo miss... Ang kinis mo naman kasi." sabi nong isa at nagtaasan ang mga balahibo ko nang haplusin niya ang legs ko.
Seriously? I'm just wearing a pencil skirt! Anong nakakamanyak ron? No! It's not what the women wears! It's the boy's corrupted minds!
Mariin kong nakagat ang labi ko nang hawakan nila akong tatlo saan saan. Hindi ko halos magawang sumigaw sa sobrang panlalambot ngunit sinubukan ko parin
"Tulooongg!!! Hellppp!!"
Sigaw ko na nagpaalarma sa tatlo.
Mga bobo!
"Takpan nyo bibig niyan!" sigaw nong isang kalbo ang magkabilang gilid ng ulo at tanging sa gitna lamang may buhok.
No not your dirty hands!! Ewww
Akmang tatakpan ng isa ang bibig ko nang tumumba ito sa isang malakas na suntok.
Napatili ako sa gulat at napaatras nang sinunod naman niya ang dalawa pa ngunit agad kumaripas ito ng takbo nang may humarang ditong mga sekyu
Mygash! Ang lalaki kasi ng tiyan kaya antagal rumespunde!
"Pakideretyo sa presinto mang Tomas.." sabi ng lalaking baritono ang boses. Ramdam mo ang awtoridad doon kahit pa mahinahon ang kaniyang tono.
"Nako, hindi nyo na kailangan magsampa ng kaso dito Gio... Derecho kulungan na talaga at malakas sa drugs ang mga ito, pagsabihan mo nalang iyang nobya mo na mag-ingat sa susunod" napanganga ako sa sinabi ng sekyu at pinanood ang mga itong tumalikod bitbit ang tatlong adik
Nobya!? Sa isang probinsyano? Ew!
"Ayos ka lang?"
Nanginginig na hinarap ko ang lalaking nagligtas sa akin at napanganga ako sa itsura niya.
Is he even true?
Bahagyang mahaba na itim na itim na buhok, makapal na kilay, malalim at mapupungay na mga mata, tamang tangos na ilong, mapupulang labi, at prominenteng panga..
May dimples pa!
Nakanganga akong tulala sakaniya at natauhan lang nang ngumisi siya ng mala demonyo.
Demonyong nuknukan ng gwapo.
"Miss.. Ayos ka lang?" ulit niyang tanong habang nakangisi parin at bahagya nang nakataas ang isang kilay. Lumalabas ang malalim niyang dimples sa simpleng pagngisi.
"O-oo" utal na sabi ko at agad tumalikod.
Napahawak ako sa puso kong nagwawala, marahil ay sa takot at pandidiri. Kinuha ko ang apat na maleta at hirap na hinarap ito sa lalaking hindi natatanggal ang ngisi sa mukha.
"Kuya Gio! Hindi ko na po makita sa loob si ate Kenyana!"
Napalingon ako sa batang babaeng humahangos na palapit sa amin.
"Ayos lang Hemi..nakita ko na siya"
Napalingon uli ako sa lalaking tinawag ni Hemi na 'Gio'. Kumunot ang noo ko nang makitang nakangisi parin siya.
What's so funny with being almost raped huh!?
Lumunok ako at naramdamang namasa ang gilid ng mata nang maalala ang nangyari. Yumuko ako sa sapatos kong six inches pa.
"S-salamat... sa pagligtas" mahinang sabi ko. Pakiramdam ko ay nawala ang pagkamaldita ko.
"Sige, halika na... Sigurado ka bang ayos ka lang? Hindi ka ba non hinoldap o... Sinaktan?" marahan niyang sabi na walang bakas ng pagngisi.
Umiling ako bilang sagot at nanatiling nakayuko. Rinig ko ang buntong hininga niya at nanlaki ang aking mata nang may kamay na dumapo sa aking ulo.
"Halika na garod... Hinihintay ka ng papa mo sa bahay niyo" sabi niya at tinalikuran ako.
Did he just pat my head!? Like I'm some pityful puppy!? Arrgh.
Inis na inangat ko ang paningin ko kasabay ng pagharap niya uli sakin.
"Oo nga pala..." bulong niya at walang kahirap hirap na inagaw ang apat na maleta ko at prenteng itinulak ito na para bang walang laman.
Naglakad siya kasama si Hemi na nakabuntot sakaniya, agad akong sumunod sakanila sa takot na baka may magpakita nanamang adik.
"D-dapat tinanggi mong nobya mo ako... Hindi mo naman ako GF eh, saka ayoko sa probinsyano" mahinang sabi ko, hinahanap parin ang pagkamaldita.
"Hmm? Wag ka na umangal, maswerte ka na at napagkamalan ka pang girlfriend ko" mayabang na ani niya at napairap ako.
Gwapo nga, ang sama naman ng ugali.. Sobrang yabang!
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil silang dalawa at humarap sa akin. Inilagay ni Gio ang maleta ko sa.....
Nalaglag ang panga ko sa nakita.
"What the hell is that!?"
YOU ARE READING
Demonyo [ Rivadenera Series #1] (ON GOING)
Novela Juvenil"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno Ako ang demonyo gagabay sa iyo Pabalik sa langit habang tayo Ay paakyat ako'y napa-ibig sayo"🎶