"Doon ang bahay namin! At ayun naman ang pechayan ni nanay Roti!"
Bawat turo ni Hemi ay sinusundan ko agad ito ng tingin. Wala na siya sa tabi ngayon ni Gio at nakaupo na siya ngayon sa harapan ko. Pinagmamalaki ang kanilang lugar.
"Ako ang tagapagmana ng mga pechay ni nanay Roti! Sabi kasi ni tyang Bonita kukunat na daw ang pechay ni nanay Roti kapag malaki na ako! Kaya ako na ang hahalili sakaniya, kasi ako daw bago at sariwa daw ang pechay ko!" pagmamalaki niya pa at napangiwi ako. Tumawa naman si Gio na abala parin sa pagmamaneho ng kuligig niya.
Who taught her that? Hindi ba nila alam na ang sagwang pakinggan para sa isang bata na magsalita ng ganon?
"Who taught her that Gio? Ang bata pa ni Hemi kung ano ano na ang sinasabi ng Bonita na iyan!" inis na tanong ko at muli niya akong tinawanan.
Inirapan ko na lamang uli siya at nakinig nalang sa daldal ni Hemi.
"Iyon naman ang bahay ng papa ni kuya Gio!" sabay turo niya sa isang bahay--- bahay? It's a freaking mansion! And by just a glimpse of it i can say that it costs a fortune!
"Ang yaman nyo naman pala bakit ka nagtitiis dito sa kuligig mo? Dinamay mo pa ako" baling ko kay Gio na hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod.
Tumaas ang isang kilay ko nang humagalpak sa tawa si Hemi, muntik pa siyang masubsob sa sahig ng kuligig, sayang at hindi siya natuluyan.
Rinig ko ring bumungisngis si Gio pero abala siya sa pagliko liko ng manibela at pagtango sa ilang mga kakilala. Narito na kami ngayon sa mga kabahayan ng Rivadenera at maging ang mga bahay kubo nila ay kaysarap sa mata. Panira lang talaga itong demonyo at batang yagit.
"Hindi naman masama ang itinuturo ni Bonita, mabait naman siya... At saka hindi akin itong 'kuligig' na ito" sagot niya makalipas ang ilang segundo
Mabait si Bonita? Hindi masama ang itinuturo niya?
Napairap ako at naisip na kaya ganon siya magsalita ay baka nobya niya ito.
Protective huh?
Nakinig lang ako nang nakinig sa daldal ni Hemi hanggang sa hindi ko namalayang tumigil na pala ang kinakawalang na sasakyan.
In fairness mabilis naman siya. - _-
Nilibot ko ang tingin sa paligid at napanguso nang maisip na madilim na at hindi ko na makikita ang paligid kahit anong tingin ang gawin ko.
Bumaba si Gio mula sa pagkakaupo at nag-inat. Nagmamadali namang bumaba si Hemi at nagtatakbo sa kung saan, hindi ko na siya natanaw dahil madilim sa pinuntahan niya. Wala na ang haring araw at tanging buwan nalang at ilang malalamlam na street lamps na gawa sa kahoy ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.
Marahan akong bumaba ng kinakalawang na sasakyan at marahan ring tumabi ng tayo kay Gio mahirap na at baka may bigla nalang manghila sa akin sa dilim.
"Oh takot ka prinsesa?" natatawa niyang sabi at ngumuso lang ako. Pinapakalma ang nagwawalang puso.
"Bakit parang walang tao? Are you going to rape me? Or isasalvage mo ako? Kidnap me? For money? Pamalit sa kuligig mo?" sa halip na tanong ko.
Tumawa siya at kahit kaonti lang ang liwanag na tumatama sa kaniyang maamong mukha ay kita ko parin ang paglabas ng malalalim niyang biloy.
"Bakit kita rarape-in? Madaming babae riyan ang nagkakandarapa sa akin at hindi ka naman ganon kagandahan, at hindi rin naman kita kikidnapin... Alam ko namang wala kang pera at itong mukhang to?" inilapit niya ang mukha at nahugot ko ang hininga, saka siya ngumisi ng nakakaloko.
YOU ARE READING
Demonyo [ Rivadenera Series #1] (ON GOING)
Teen Fiction"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno Ako ang demonyo gagabay sa iyo Pabalik sa langit habang tayo Ay paakyat ako'y napa-ibig sayo"🎶