Chapter 3

27 4 0
                                    

"So, how'd it went?"

It was a typical Saturday evening. Talagang nakitulog ako kila Shin para lang makakuha ng details dahil nga dakilang tsismosa ako. Syempre magre-review na rin ako para sa quiz ko sa isang subject. Magpapaturo ako sa kanya kasi matalino 'tong kumag na 'to.

Actually, no, I can handle College Algebra well. Ginagawa ko lang siyang excuse para reasonable ang pag-sleepover kuno ko sa bahay nila Shin. Hehe.

Halos tumilapon ang libro na binabasa niya nang biglaan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at isinilip sa loob ang ulo ko. "Damn, can't you knock? Gusto mo turuan kita?"

"Gusto kita." Ngising-aso kong sabi at umupo sa may paanan ng kama niya at hinihigit ang kumot niya.

Mula sa pagiging inis ng mukha niya ay naging poker face ito at pinigilan akong mahila totally ang kumot niya. "Cut it, Ploy. Anong kailangan mo at binobola-bola mo ako ngayon? Ah, right. You're asking me to help you study for your quiz in Algebra."

"Nope." umiling-iling ako.

Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumitig sa akin. "Isn't that why you are here, planning to sleep in my house, and disturb me?"

To be honest, I'm not that stupid when it comes to College Algebra. 'Di naman ako bobo pero sa lahat ng subjects ko ngayong 1st sem. ng first year, I'd consider that something I exert too much effort for kasi mahirap. I don't know. It's just that me and mathematics don't go together. But I can say that I do well.

"Let's just say that's my 'valid' excuse para matulog dito." I said, grinning. "The truth is, I'm asking you how your meeting with your co-trainees went. Bukas na 'yang study thingy na 'yan 'pag pauwi na ako."

I'll ace that quiz, I just wanna be a very supportive best friend dahil mabait ako. Nakapagreview naman na talaga ako at naintindihan ko na. I just need study tips para mas makapagfocus at madaling makaintindi.

He shook his head and muttered. "Childish."

"Hell, yeah I am." I said. "So ano na, baka gusto mong magkwento?"

Bigla na lang siyang tumayo sa kama niya and God, I almost regretted pulling his blanket completely away from him dahil naka-topless pala ang gago! Buti na lang talaga ay nakatalikod siya sa akin!

After wearing a white shirt ay lumabas siya ng kwarto kaya naman sinundan ko siya, only to see that he's heading for the kitchen.

"Ba't tayo nandito?" takang tanong ko pagkaupo ko sa may island counter nila.

He got out a pack of french fries from their freezer. "Magluluto ako ng midnight snack. Something to eat while you're fishing out information from me. Gutom ako."

Hala, midnight na pala. Nasobrahan ata kami ni Naya kakalaro ng Among Us, 'di na namin napansin ang oras.

"Gusto ko nung hotdog mo—"

Napatigil siya sa paglalagay ng oil sa paglulutuan niya at napalingon sa akin, nanlalaki pa ang mata. "What the hell, Ploy? Anong pinagsasasabi mo riyan?"

"Dumi ng utak mo, gago!" sabi ko sabay batok sa kanya. Muntikan niya na tuloy mabitawan 'yung bote ng mantika. "I meant your luto nung Monday! That.. Anong tawag ulit doon? Sizzling hotdog with oyster sauce?"

Napailing naman ang mamula-mula niyang pisngi. "Ayusin mo kasi 'yung sentence mo. Pinagmamayabang mo na ABE ka tapos—"

"Bakit? English ba 'yung sentence na sinabi ko, ha?! Baka 'pag English 'yon mas lalong 'di mo maintindihan?! Patapusin mo muna kasi ako!" I shot back.

"Yabang mo, ah. 'Wag kaya kitang ipagluto? Mangisay ka sa gutom."

"Pabibo ka ba ha? Magluto ka na nga lang, badtrip!"

Into the SpotlightWhere stories live. Discover now