Summer Madison Romero.
Dumating ako sa lugar na kung saan walang halintulad sa pinagmulan ko. Ang dating simpleng buhay sa probinsya ay biglang naging engrande sa mata ng madla.Kakalapag ko palang ng aking bagahe sa may pintuan ng malaking mansyon na inaapakan ko ay makikita mo na agad ang karangyaan ng buhay ng kung sino mang may ari ng bahay na ito. At yun ay ang ina ko. Ang tunay na ina ko.
"Do you like it baby?I bought this house just for you." sabi ni Rose ang aking ina.
Galing ako sa probinsya kasama ang aking Lolo at Lola na inakala kong mga magulang ko. Iniwan ako ng aking tunay na ina sa kanila upang makipag sapalaran sa maynila dahil iniwan ito ng kasintahan matapos malaman na may nabuo sila. At ako iyon.
At ito nga ang nangyari. Sinwerte ang aking ina. May nakilala itong mayaman na byudong lalaki at napangasawa ito. Kaya't binabawi niya ako sa kinilala kong magulang na para bang walang nangyari. Ang kapal ng mukha.
Biglang tumambad sakin ang isang matipunong lalaki na may katandaan na. Ngunit kahit may katandaan na ito ay makikita mo pa rin ang kagwapuhang tinataglay.
"Hon,si Madi na ba ito?" manghang tanong ng lalaki kay Rose habang nakatingin saakin.
"Ang ganda ng anak ko hindi ba?" pagmamalaki naman ng aking ina.
"Yes,she's so beautiful. Parang ikaw noong kabataan mo." pangbobola ng lalaki kay Rose na kinasiya naman nito.
Tipid na ngiti lamang ang tinutugon ko sa bawat paguusap nila at wala rin naman ako sa mood na makipagbolahan pa. Natapos ang bolahan at nagpakilala ang matandang lalaki bilang Don Mariano Calderon ngunit ang itawag ko daw sa kanya ay Papa dahil siya na daw ang tatayong ama ko. As if.
Mariano Calderon. Siya nga. Siya ang matandang mayaman na malapit ng mamatay. Ang napangasawa ng aking ina. Pamilyar rin siya saakin at para bang nakita ko na ang kanyang pagmumukha sa isang magasin o kung ano mang babasahin.
Habang naguusap ang mag-asawa ay nahagip ng aking mata ang isang lalaki na pababa sa hagdanan. Kita mo palang sa aura ng lalaki na laki ito sa karangyaan.
Hanggang sa nakababa siya,biglang napatingin siya sakin na para bang takang-taka. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Pagkatapos niya akong tingnan ay nagkatinginan sila ni Don Mariano.
Umastang kakausapin ni Don Mariano ang lalaki ngunit bago pa lamang ibubuka ang kaniyang bunganga ay tumalikod na ang lalaki at umalis. Napailing nalang si Don Mariano sa inasta ng lalaki. Snob si kuya mo.
Tumingin ako muli sa lugar na inaapakan ko. Ang laki ng pamamahay na ito at parang kayang tumira ang 10 o higit pang pamilya. Ito ba ang magiging tirahan ko?
Hindi ko pa alam ang mangyayari sa buhay ko dito. Malay ko ba. Baka gawin lamang akong alila sa papamahay na ito hindi ba?pero isa lang ang alam ko. Impyerno ang magiging buhay ko dito.
YOU ARE READING
Extraordinary:The Academy
Fantasy7 kabataan na mayroong ibat-ibang katangian at mga kahinaan ay pumasok sa isang akademya. Hindi lamang ito basta bastang Akademya lamang. Akademyang hindi mo paniniwalaan. Akademyang pinapanatiling sikreto sa lahat ng tao sa mundo. Sa kanilang pagp...