Gavin Callixto Calderon.
Pagkababa ko sa sala ay bumungad sakin ang isang di pamilyar na babae kasama si Papa at ang kaniyang asawa. Si tita Rose.Who is she?halata sa kanyang pananamit at bagahe na hindi siya taga dito at parang galing pa sa probinsya. Sinuri ko siya ulo hanggang paa. Napagtanto na baka bagong pasok na kasambahay kaya't hindi ko na pinansin pa.
Umastang magsasalita na si Papa ngunit bigla ko itong tinalikuran at dumiretso sa kusina para uminom. Ayokong masira agad ang aking umaga dahil narinig ko lang ang boses at pagsesermon ni Mariano. Ang aking butihing ama.
Pagkatapos kong uminom ay pumunta na ako sa dining area para makakain na ng tanghalian. Ngunit sa aking paglalakad ay tanaw ko na roon si Papa,Tita Rose pati na rin ang bagong kasambahay.
"Anak,umupo ka na. Simulan na nating kumain." nakangiting paanyaya ni papa saakin.
Ano daw? At bakit nasa hapagkainan ang isang kasambahay? Nakakapagtaka. Hindi lang sa kasambahay kundi dahil na rin kasabay ko si papa at tita rose kumain. That's new. Bihira lang kasi namin makasabay ni Fernan ang mag-asawa. Ang nakatatanda kong kapatid.
Umupo na ako at kaharap ko pa ang probinsyana. Nakatingin siya sakin na walang kaemo-emosyon. Hindi ko mabasa kung ano ba ang nasa isip ng isang ito. Weird.
"Gav,ito pala ang anak ko si Madi." nakangiting sabi ni Tita Rose.
Anak?may anak siya? Kalain ko ay wala itong naging asawa. Tapos may anak pala? Wtf. At ang alam ko ay nasa late 30's palang ito at ito namang babaeng nasa harap ko ay parang kasing edad ko lang.
"Talaga?kala ko bagong saltang kasambahay." walang ganang sagot ko habang patuloy na kumakain.
"Callixto!" saway ni papa saakin. Hindi nakasigaw ngunit may awtoridad.
Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain. Sinabi ko lang naman ang nasa isip ko,anong problema doon hindi ba? Mga tao nga naman.
Hindi rin naman kasi halata na anak ito ni Tita Rose dahil sa pananamit nito pero kung titingnan nga naman ang mukha ay may hawig nga ito ni Tita Rose. Sa madaling salita may itsura.
"Pagpasensyahan mo nalang ang aking anak,iha. Sadyang ganyan ang ugali ng isang iyan." sabi ni papa. Tipid na ngiti lamang ang sinagot ng babae.
Kinausap nalang ni Tita si Papa tungkol sa negosyo namin. Habang nasa gitna ng paguusap nila ay biglang sumulpot si Kamiro.
"Kamiro,umupo ka at makisabay ka saaming kumain." paanyaya ni Tita Rose.
"Hindi na po,yayain ko lang po sana si Gav na magbasketball." nakangiting sabi ni Kamiro.
Si Kamiro ay pinsan ko. Anak ng Kapatid ni Mama. Noon pa man ay kami na ang magkasama. Siguro dahil kami ang magkaedad sa pamilya. At noon pa man siya na ang hinahangaan ng lahat. LAHAT.
YOU ARE READING
Extraordinary:The Academy
Fantasy7 kabataan na mayroong ibat-ibang katangian at mga kahinaan ay pumasok sa isang akademya. Hindi lamang ito basta bastang Akademya lamang. Akademyang hindi mo paniniwalaan. Akademyang pinapanatiling sikreto sa lahat ng tao sa mundo. Sa kanilang pagp...