Panimula

8 0 0
                                    


Natataranta ang mga tao sa paligid pati na rin ako. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari ngunit aking hinihiling matapos na ang lahat na ito.

Puro usok at apoy ang makikita sa buong paligid. Marami na ring namatay na aming kababayan. Ang iba nama'y nagiiyakan dahil nawalan ng minamahal sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ba humantong ang lahat na ito sa simpleng alitan lamang.

"Two,kaibigan mo kami!" sigaw ni Three sa dambuhalang higante na nasa harap namin. Sumunod na rin ang ibang sigawan ng mga kaibigan ko at ng mga tao.

Ang higanteng iyon ang may gawa ng lahat ng ito. Kaibigan namin siya. Oo. Kaya't hindi ko alam kung bakit nga ba niya ginagawa ang lahat ng ito.

Patuloy pa rin ang higante sa pagsira ng mga establismyento rito sa aming lugar at tila ba'y hindi naririnig ang mga hiyaw ng mga tao.

Gusto namin siyang pigilan ngunit paano namin iyon gagawin? saktan siya? gamitin ang bawat potensyal naming anim? ang hirap. Tinuturing ko siyang kapatid pero ano na lamang ang mangyayari kung hindi siya mapatigil?

Todo pa rin kami sa pagsabi sa kanya na tapusin niya na ngunit makalipas ang 10 minuto ay para bang mas lalong bumilis ang mga pangyayari. Wala na kaming nakikita na mga building sa paligid. Lahat ay napabagsak na pero hindi pa rin siya natitinag.

Hanggang sa nakalayo na siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagsira ng mga tahanan at oagpatay ng mga tao. halos sampu na bayan na ang kanyang napapatumba. Paano pa kaya pagkatapos ng isang oras? baka buong pilipinas ay mawala na. And worse baka buong mundo pa.

"The end of the world si coming." sabi ni seven.

Habang binibitawan niya ang mga katagang iyon ay lumiliwanag ang kanyang mata at may lumalabas na pulang likido sa kanyang ilong.

Extraordinary:The AcademyWhere stories live. Discover now