Bago ko ito simulan, naririto ako upang magsalaysay ng isang kaganapan sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Hindi ako naparito upang gawing katatawanan ang sinuman at hindi ako naparito upang makipag-away.
-simula-
Bago ko ito simulan, magflashback muna tayo sa past....
Noong maging Emperador si Octavian a.k.a. Augustus, lumawak ang kanyang imperyo. Ang hangganan nito ay ang Ilog Euphrates sa silangan, ang karagatan ng Atlantiko sa sa Kanluran, ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga, at ang disyerto ng Sahara sa timog.
Noong 330 A.D. , inilipat ni Emperador Constantino ang kabisera ng Imperyong Roman sa Constantinople, sa dakong silangan ng imperyo kung saan ang wika ng nakararaming tao ay Greek.
Muling naging kabisera ang Roma noong 395 A.D. ngunit kabisera nalang ito ng kanlurang bahagi ng imperyo. Nanatili ang Constantinople bilang kabisera ng Silangang Imperyong Roman.
Nang lumaon, ang Silangang Imperyong Roman ay naging Imperyong Byzantine....
So ayan, nagflashback muna tayo mga sis at bro, doon na tayo sa topic talaga
Magsimula muna tayo sa....
ICONOCLASTIC CONTROVERSY (BYZANTINE VERSION)
Sa panahon ng kanyang panunungkulan, nabahala si Leo III, ang Emperador ng Imperyong Byzantine sa dalawang bagay
1) Yaman ng mga monasteryo kung saan mahigpit na tinututulan ng mga may-aring monghe ang anumang paraan na baguhin ang sistema ng pag-aari ng lupa.
(Wow ah! Nice one mga tol! Lupa lang naman yan eh!)
2) PATULOY NA PAGSAMBA SA MGA ICON O MGA BANAL NA ESTATWA O MGA PAINTING.
Sa pananaw ng Simbahang Roman, ang talagang sinasamba ay hindi ang estatwa kundi ang kinakatawan nito. Ginagamit ang mga imahen upang tulungan ang mga tagasunod, Lalo na ang mga hindi nakapag-aral, upang maunawaan ang kanilang pananampalataya.
(Hmmm yes na-oobserve ko sa ibang tao eh kahit object talaga sinasamba na, kahit taong nabubuhay animo'y sinasamba na, kahit yan lang na WORLDLY THINGS/WORLDLY STUFFS(ML, P*RN, TIKTOK, ETC) NA KINAAADIKAN MO IDOLATRY NA YAN MEN! IDOLATRY MEANS PAGSAMBA SA MGA DIYUS-DIYOSAN)
Okay continue na tayo
Noong 726 A.D. , iniutos ni Emperador Leo III ang pagsira ng lahat ng mga icon sa mga Simbahan at monasteryo uoang putulin ang kaugaliang pagsamba sa mga imahen. Bilang ganti, siya ay ginawang excommunicated o ekskomulgado ng Papa ng Roma. Ibig sabihin nito ay itiniwalag siya sa Simbahan o pananampalataya.
Guys! Religion can't save you! Joining religious sects can't save you! Only Christ our Lord can save you!
Ang pagnanais ni Emperador Leo III na bawasan ang kapangyarihan ng mga monghe at alisin ang mga estatwa sa mga Simbahan ay lumikha ng isang mainit na hidwaan ng Simbahan at Estado na tinatawag na ICONOCLASTIC CONTROVERSY.
(bro gusto mo ng pagbabago pero humantong lang pala sa gulo. Masakit☹️)
(para kang may nais hilingin na pagbabago either ugali, kilos, asal, gawi etc sa gf mo pero mahigpit ka niyang tinutulan at nag-away pa kayo tsk)
Natapos ang sigalot na ito noong 841 A.D. nang tanggapin ni Emperador Michael III ng Imperyong Byzantine ang pagkatalo. Binawi niya ang kautusan na nagbabawal sa mga icon. Gayunpaman, nanatiling hati ang dalawang Simbahan.
(Grabe kayo hays)
So guys, tapos na ako sa pagsasalaysay sa Iconoclastic controversy, dumako naman tayo sa ANG PAGHIHIWALAY NG SIMBAHANG ROMAN AT SIMBAHANG BYZANTINE
Naganap ang paghihiwalay ng Simbahang Roman at Simbahang Byzantine noong 1054.
(Ano yun mga sis nagbreak kayo? Ha?! Ays lang yan ako nga ilang beses ko nang naranasan HAHAHAH)
Nagpadala ang Papa ng Roma ng kanyang kinatawan sa Constantinople upang pag-usapan ang pagkakaiba ng dalawang Simbahan.
Subalit hindi nagkasundo ang dalawang panig. GINAWANG ESKOMULGADO NG PAPA NG ROMA ANG PATRIARCH NG CONSTANTINOPLE. GAYUNDIN ANG GINAWA NG PATRIARCH SA PAPA.
(ano yun tamang gantihan lang mga dre)
Pagkatapos ng paghihiwalay, tinawag ng Imperyong Byzantine ang Simbahan nito bilang Easten Orthodox. Itinuring ng dalawa ang kanilang sarili bilang tunay na tagapagmana ng tradisyong Kristiyano.
Para sa Roma, ito ang sentro ng Kristiyanismo.
Para sa Constantinople, maraming sentro ang Kristiyanismo na pawang pantay-pantay ang katayuan.
Maliban sa Constantinople, nariyan din ang Antioch sa Syria, Jerusalem sa Israel, at Alexandria sa Egypt. Tulad ng lumang Imperyong Roman, ang Simbahang Kristiyano ay nahati rin sa dalawang magkakaibang panig.
So ayan guys, nagkanya-kanya na ang dalawang Simbahan na yan.
Ang kasalukuyang Papa ng Simbahang Roman/Simbahang Romano Katoliko ay si Papa Francisco (Pope Francis) at ang kasalukuyang Patriarch ng Constantinople ay si Bartholomew I.
-wakas-
Pinagkunan: Kasaysayan ng Daigdig textbook
BINABASA MO ANG
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.