AGAINST EARTHLY RULES AND FALSE DOCTRINES/TEACHINGS

1 1 0
                                    

PAGANONG PAMAHIIN?
FALSE DOCTRINES?
FAKE TEACHINGS?
MAKAMUNDONG ALITUNTUNIN?
WHAT A USELESS THING?!

a thread;

Bago ako magsimula, nais ko nga palang ipaalam sainyo mga ginoo at binibini na, WALA PO AKONG INAAPAKANG TAO RITO. HINDI PO AKO NAPARITO UPANG MAGSIMULA NG GULO NI MAGKAROON NG KAAWAY. NANDIDITO AKO PARA MAGSALITA NG KATOTOHANAN. KATOTOHANAN PARA MAKATULONG SAYO. ANG MATAMAAN AY DAPAT NANG MAGBAGO.

-simula-

NARANASAN MO NA BANG SITAHIN KA? SITAHIN KA PORKET DI KA NAKASUNOD SA PAMAHIIN

PORKET DI KA NAKASUNOD SA PEKENG ARAL/PEKENG DOKTRINA/MAKAMUNDONG ALITUNTUNIN NA NASA PAMILYA NA NINYO O MINANANG MGA TURO MULA PA SAINYONG MGA NINUNO?

Anu-ano ang mga turo-turong sinasabi ko?
Ano itong mga pamahiin na siyang pinupuntirya ko ngayon? Ano itong false teaching/false doctrines na tinutukoy ko?

Ano ang pamahiin?

Ang pamahiin ay yung " a belief or old saying/
traditions in the philippines. Examples can be
like "Dont sweep the floor at night because
you are sending away the blessings" or "if you
got wounded during holy week/semana santa,
it wont heal because god is dead during that
period"

Ahh belief ahh old saying 
Ahh traditions

Wowww! Wala namang basehan! Wala namang sapat na dahilan yan mga sis!

Ano naman ang false doctrines este false teaching?

Mga katuruang wala sa Bibliya, mga katuruang contrary to what the Scriptures say, mga katuruang inimbento lang ng tao para maging isang sumpa sa sinumang hindi susunod doon, inimbento para dagdagan o ibaluktot ang aral mula sa Bibliya

Take not guys, HINDI IKALILIGTAS NG KALULUWA MO ANG MGA MALING ARAL OKAY?

ANONG MAPAPALA MO SA GANYANG MGA KAMALIAN?

Ano ang makamundong alituntunin?

Makamundo? Masyadong makasalanan, masyadong marumi, malayo-layo na sa kabanalan! Malayo-layo na sa kabutihan!

Makamundong alituntunin ay mga alituntuning nauukol sa mga bagay na nauubos...tungkol sa mga bagay na naluluma, nawawasak at hindi rin naman pala magtatagal

Gaya ng sinasabi sa Colosas 2: 20- 22

Namatay na kayong kasama ni Cristo at wala na sa kapangyarihan ng mga espiritung naghahari sa sanlibutan. BAKIT PA KAYO SUMUSUNOD SA MGA ALITUNTUNING TULAD NG,

"HUWAG HAHAWAK NITO", "HUWAG TITIKIM NIYAN",
"HUWAG HIHIPO NIYON"?

Ang mga ITO'Y UTOS AT ARAL LAMANG NG TAO tungkol sa mga BAGAY NA NAUUBOS.

Tandaan mo, UTOS AT ARAL LAMANG SA MGA BAGAY NA NAUUBOS

Okay guys, hayaan ninyo akong maglahad ng isang pangyayari sa buhay ni Jesus na nasa Marcos 7: 1- 13

May mga eskriba at Pariseo na lumapit kay Jesus at sa kanyang mga alagad...

Nakita nila na HINDI RAW NAGHUGAS NG KAMAY ANG MGA ALAGAD NI JESUS BAGO KUMAIN

(According to the traditions and teachings passed by their ancestors to Jews, especially Pharisees, HINDI SILA KUMAKAIN HANGGA'T DI NAKAKAPAGHUGAS NG KAMAY)

Ahh alam mo naman na JUDGEMENTAL ANG MGA PARISEO AT ESKRIBA PORKET HINDI KA LANG SUMUNOD SA MGA ARAL NA IPINAMANA PA NG MGA NINUNO NINYO AY PUPUNAHIN KA NA NILA. 

SO AYUN TINANONG NG MGA PARISEO AG ATING PANGINOONG JESUS(nasa Marcos 7:5 po ito)

"Bakit hindi sumusunod ang nga alagad mi sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumain sila nang hindi man lang naghugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!"

(Aww galit na kayo mga Pariseo at eskriba?)

Sumagot si Jesus, "tama ang hula ni Isaias tungkol sainyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat, 

'Paggalang na handog sa'kin ng bayan ko'y paimbabaw lamang,
Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal,
Papuri't pagsambang ginagawa nila'y walang kabuluhan,
ANG UTOS NG TAO AY ITINUTURONG UTOS NG MAYKAPAL'

Niwawalang kabuluhan nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang SINUSUNOD ninyo'y TURO NG MGA TAO"

-Marcos 7: 6-8

(ang mga Pariseo at eskriba, itinuturong UTOS DAW NG MAYKAPAL ang kanilang utos, which is utos lang ng tao)

Sinabi pa ni Jesus, "Kay husay ng paraan ninyo sa pagpapawalang-bisa sa utos ng Diyos masunod lamang ang MGA TURONG MINANA NINYO!

tulad nito: iniutos ni Moises, 'Igalang mo ang iyong ama't ina', at, 'ang magsalita ng masama sa kanyang ama o ina ay dapat mamatay.'

Ngunit itinuturo ninyo, 'kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina; Ang anumang maitutulong ko sainyo ay Corban'(alalaong baga'y inihahain ko na ito sa Diyos)----hindi na ninyo siya pinahihintulutang tumulong sa kanyang ama o ina.

Sa ganitong paraa'y niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga TURONG MINANA NINYO. At marami pang bagay tulad nito ang ginagawa ninyo"
- Marcos 7: 9- 13

Totoo naman yung sinabi ni Christ, may napansin nga akong katulad ng ginagawa ng mga Pariseo at Eskriba,

Ano nga ba ang napansin kong kagaya rin ng ginagawa ng mga Pariseo at eskriba? Tunghayan natin yan sa susunod na sinulid...

-wakas-

THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon